1.

16 2 0
                                    

Mikha

It's 6+ PM.

"Ma, kain na po kayo muna bago yang TV." Tawag ko kay mama mula sa kusina kasi kanina pa siyang nanonood ng TV.

"Sandali lang nak, tapusin ko lang 'to." Sigaw niya mula sa living room.

Ayts, si mama talaga ang hilig sa TV.

Inilapag ko na rin ang mga pagkain sa dining table kaya naghintay na lang ako kay mama.

"Ma naman eh! Gutom nako." Tawag ko ulit habang hinihintay siya.

Ayaw ko naman kasi mauna kumain kasi nga ngayon kulang ulit makakasama ang mama ko.

"Andyan na!" Agad na sagot niya sa'kin.

And napangiti naman ako nang makita ko siyang papasok na dito, pinagmasdan ko lang siya habang lumalapit sa'kin. Ang ganda talaga ng mama ko.

"Wahh! Kawawa naman ang baby kanina pa gutom HAHA" Sabi ni mama sabay natawa siya ng malakas.

"Ma naman eh, kanina pa'ko nagaantay" i said. Kunwari nagtatampo HAHA

I love my mom so much. Kasi nga kahit ganito na'ko ka laki at katanda ay binibaby parin ako.

Umupo na siya sa isang upuan, magkaharap kami ni mama ngayon.

"Tikman mo po luto ko, masarap po yan." exit kong sabi kay Mama.

Agad naman siyang umayos ng upo at nagsimulang kumuha ng iba't ibang pagkain. While ako ay ganon din ako, pero hindi ko parin maiwasan ang hindi pagmasdan si mom na kumuha ng luto ko at isa't isa yon tinikman.

Natawa ako sa first na subo niya kasi bigla siyang ngumuso sa'kin. Hala si mom, baka may kulang na lasa sa luto ko!

"Hmp! Asim." Biglang naiba ang mukha ko nang sabihin yon ni Mom saka ako pinagtawanan.

"Mom naman masarap kaya yan!" Pagtatanggol ko sa luto ko, pero tinawanan niya lang ako.

Ayts may kulang nga.

"Magingat ka anak, baka mamaya hindi kana makauwi ng bahay." Biglang sabi ni mama habang kumakain kami.

"Why po ma?" I chuckled.

"May aswang!" Pananakot niya sa'kin.

Napatawa ako ng malakas sa sinabi sa'kin ni Mama "Ma, pati ba naman kayo nakikinig sa mga kwentong ganyan? Kakapanuod mo yan ng TV, Ma." Sabi ko sabay subo.

Anyway, madami din ang nagsasabi na may aswang daw dito sa manila, ito ang sikat ngayon na kwento maging sa school, sa bahay, sa online, kahit saan.

"Na'ko anak, natatakot lang ako. Yung mga kapit bahay na'tin nawala ang anak eh dahil daw sa aswang." Sabi ni mama.

Naibuga ko ang iniinum kong tubig at napatawa ng malakas nang marinig ko yon.

"Eh trend lang ngayon yon Ma, kasinungalingan at salitang gawa-gawa lang." Natatawa kong sagot kay Mama.

Eh ang OA niya kasi.

Sandaling tumigil si Mama sa pagkain "Oo hindi kalang maniniwala dahil kakapunta mo lang ng manila." Sagot niya sa'kin na nakakatakot pa ang boses, kaya mas lumakas ang tawa ko.

Forever In Darkness (Mikhaiah)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon