MikhaIt's already 7+ Am. At dahil sa hindi pa'ko sanay dito at hindi ko rin alam ang papasukan kong school ay hinatid na'ko ni mama.
"Ingat anak ha? Tumawag ka sa'kin kung kailangan kitang sunduin." Sabi sa'kin ni Mama.
I just nodded and kiss her check "Kayo din ma, magingat ka po." Sabi ko at kumaway.
Tumango lang din siya sa'kin at pumasok na ulit ng taxi.
Finally, nandito na'ko sa tapat ng gate ng school na papasukan ko. Himinga ako ng malalim bago nagtungo sa tabi ng guard kasi may kung ano siyang chinik sa mga students na pumapasok sa loob.
Pagkalapit ko ay agad din tiningnan nito ang bag ko. Napairap pa'ko kasi nga ang tagal magcheck ni kuya guard!
"Wala kang i'd?" Tanong nito sa'kin.
Umiling lang ako. Malamang tatango ako eh first year college nga ako then first day ko ngayon! Hindi ko man lang alam kung ano ba feeling ng college HAHA.
"Bat wala?" Tanong ng guard sa'kin.
"Ah, first day ko po ngayon dito and magpi-first year college pa lang ho ako." Paliwanag ko kay kuya guard.
Mukhang ako lang 'ata yung chinik niya na ganito katagal ah?
"Po, baka ma late ako sa klase ko oi!" Sabi ko kasi kanina pa siya check ng check sa bag ko.
Wala akong baril dyan!
Pagkatapos niyang tingnan ang lahat ng nasa loob ay binigay niya na ang bag ko sa'kin then ngumiti. Huh?!
"Good morning ma'am." Bati nito. Taka naman akong napatingala dito.
Bakit ngayon niya lang naisip na bumati sa'kin??
"Bat hin—"
"Good morning too."
Napalundag ako sa gulat at napaalis sa kinakatayuan ko nang may biglang magsalita sa likod ko. And doon ko na lang din narealized na siya pala ang binati ng guard at hindi ako.
Lord, nakakahiya!
Kagat labi akong napatingin sa babaeng nagsalita kanina sa likod ko, and i saw a tall girl. Mas nakagat ko pa ang labi ko nang makita ko ang itsura nito.
Ohgod, tangkad + mahaba ang buhok + cute + maputi = ang gandang babae.
Hindi ko maalis ang tingin ko dito, her body ang sexy, tas ang puti at ang pula ng mga labi ay kahit walang lipstick or liptint ay mapapansin mo yon.
Wahh muntik pa'kong mawala sa kalahati ng puti niya, ng skin niya.
"Anong nangyayari dito?" Tanong niya sa guard at tinuro lang din ako ng guard. "Ano meron sa kanya?" Doon na rin siyang tumingin sa'kin.
Oh god! Wag naman sana ngayon!
"First day niya po ngayon dito sa college kaya ichinik ko lang po yung bag niya." Paliwanag ng guard.
BINABASA MO ANG
Forever In Darkness (Mikhaiah)
Vampire"Hindi ka pweding magkagusto sa isang katulad ko."-Aiah