*Canna*
"hoy lalaki!" Sigaw ko sa asawa ko pagbaba ko ng hagdan.
"Bakit nanaman ba babae?!" Inis naman niyang sagot tapos tumingin ulit sa laptop niya. Andito kasi siya sa sala niya ngayon at gumagawa ng work niya.
"Nasaan nanaman ba yung ginamit mong mga damit kagabi?! Maglalaba na ako kaya sana ituro mo kung saan mo nanaman pinaglalagay!" Tumingin ulit siya sa akin at nagtaas ng isang kilay.
"Pinagsasabi mo?! Nilabhan na ni ate sunny yung mga labahan baliw ka ba?" Napa clear throat ako kasi naalala ko may bago nga pala kaming kasambahay.
"Ma'am! Good morning po kain na po kayo" Lumabas si ate sunny mula sa kusina hawak ang isang pitcher ng tubig.
She's 36 years old while me and my husband was 28 years old.
"Sige po" Nakangiti kong sagot sa kaniya.
"Nilabhan niyo na po pala yung mga labahan?" Tanong ko tapos naglakad na papuntang sala.
Hinati ko kasi ang bahay eh, tag isa kaming sala ng asawa ko dahil sobrang arte. Nasa table sa sala yung breakfast ko kaya dumiretso na ako doon at umupo.
"Opo ma'am, nasampay ko na din po" Tumingin ako muli sa kaniya at ngumiti.
"Salamat po" Ngumiti lang din siya at binaba na yung pitcher ng tubig tapos bumalik ulit sa kusina. Magkaharap lang ang sala namin pareho tsaka malaki naman itong bahay eh.
"Alam mo ang ganda mo kaso minsan may pagka sabog ka no?" Pangiinis nanaman ni edrian sa akin, sapakin ko kaya ito no?
"Gwapo mo din kaso nga lang may pagka dugyot ka at burara" Inirapan niya ako kaya inirapan ko din siya.
"Hindi ako burara Ikaw lang may sabi niyan" anas niya.
Bumuntong hininga na lang ako at nag breakfast na ayaw ko nanaman mainis ng maaga.
"Nga pala pupunta ako ng isang party mamaya and andun din kasi yung mga ka business ko so baka late ako makauwi" Saad niya habang nakatingin sa laptop niya.
"What about kyla?" I asked pero bakit mukhang nagseselos ako? Pero sa totoo lang oo.
"Yes, kasi ka business ko din siya so yeah" Tumango na lang ako at di na nagtanong.
"Pake ko ba" Biglang sabi ko.
"Ayaw ko lang kasi na isipin mo na nambabae ako doon tsaka nagtatanong ka diba" Tumingin ulit ako sa kaniya pero nakatingin na siya sa laptop niya.
Si kyla kasi yung babaeng gusto niya eh and he really loves her kaya oo ngayon nagseselos ako pero as his wife sa papel, i don't have the right to feel this way because we are married but without love, only me.
Nagpatuloy na lang ako sa pagkain.
Habang nagpapalaman ng pandesal, lumapit si ate sunny sa akin.
"Ma'am! Yung phone niyo po tumutunog, may tumawag ho" Inabot niya sa akin yung phone kaya binaba ko ang mga hawak ko at nagpunas ng kamay tapos kinuha na yung phone ko.
"Salamat po" Sabi ko kay ate sunny, sinagot ko na yung phone tapos siya naman umalis na.
"David! What's up!" Bungad ko.
[Can we meet?"] Sagot naman niya.
"Yeah, sure" Sagot ko.
[Great! I'll send you the address and please come, i need your help] he sounds so desperate? I think it's about his girlfriend again.
"Okay! I-" Nagulat ako ng biglang nahulog yung laptop ni edrian sa sahig.
Masama niya akong tinignan bago yun pinulot.
"Ingay!" Anas niya tapos tumayo at umalis na.
Problema nun?
[Nana?] Nagaalalang tanong ni david.
"I'm sorry ano lang may dinosaur" narinig ko ang pagtawa niya.
[Hahahhahah sige na see you na lang, bye] sabi niya tapos nag end call na.
Tinabi ko na ang phone ko tapos kumain ulit. Napatingin ako kay edrian ng muli itong bumalik sa sala niya at umupo sa sofa, hawak niya parin ang laptop niya.
"Mukhang may lakad ka din" Komonot ang noo ko dahil yung boses niya halatang inis at iritado.
"Oo tsaka pake mo ba?" Pagtataray ko.
"Wag ka lang maglalasing kasi naalala mo yung last na uminom ka? Hahahahaha biruin mo! Kinuha mo yung ice cream nung bata tapos binigay mo sa akin? Hahahahahah sabay sabi n-"
"Oo na! Manahimik kana nga! Akala mo naman siya sobrang perfect! Ikaw nga pinang shampoo mo yung ph care eh!" Nagulat ako ng binato niya ako ng maliit na unan, tinamaan ako sa paa.
"Baliw ka ba?! Malay ko ba kung ano yun?! Kasalanan mo kung saan saan mo nilalagay!" Sigaw niya kaya natawa ako habang siya inis na umalis hahahahah.
"Kaya nga uso mag google diba!" Pahabol ko pero di na siya tumingin sa akin at umakyat na sa taas.
Naalala ko nanaman tuloy yung kalokohan niya hahahahahha.
Sabi ba naman na kakaiba daw yung shampoo sa cr eh ph care yun hahahah.
Napailing na lang ako tapos inubos na itong pagkain para makaligo na ako at mapuntahan na si david.
YOU ARE READING
Love Fights And Pure
RomansCanna and Edrian always fights whenever they see each other but they love each other, it's just they don't know how to express it because they get married because of family business. Edrian loves canna so much but he afraid that if canna found out h...