Flirt
Noris
"Okay na po kayo?" Patrice asked when I returned to practice after the confrontation with Eloee.
"Yes, so stop worrying." Ginulo ko ulit ang buhok niya. Ayos din 'to e, sobra mag-alala. Si Leo nga, parang wala lang.
We got back to practice, and for some reason, my agility was back. I could rebound, defend, shoot, and even dunk the ball. I almost felt like a monster on the court. Tuwang-tuwa naman si Coach—redeemed!
"Okay, gather around!" Pumalakpak si Coach ng limang beses pagkatapos namin mag-cool down. Lumapit naman kami at pinalibutan siya.
"Hindi ko gusto ang performance mo kanina, Noris," pasimula niya, diretso ang tingin sa akin. Ako rin naman, hindi ko gusto 'no. "You seemed distracted. Pero natuwa ako na bumawi ka ngayon. Keep it up!" I just nodded obediently since everything he said made sense naman.
"Altamirano!" Sunod namang tinawag ni Coach si Leo, na nagulat dahil nagse-cellphone pa rin. Binulsa naman agad ni Leo 'yung phone niya. Yari ka, gago!
"Yes, Coach!" masigla niyang sagot. Halatang parang bad boy talaga si Leo, laging mukhang may ginagawang kalokohan.
"Make your defense stronger!" Tuloy-tuloy siyang pinagsabihan ni Coach, kasama na rin ang bawasan ang paggamit ng cellphone sa practice. May phone addiction na ata si gago e.
"Noted, Coach!" sagot niya, sabay ngiti at saludo. Siraulo talaga. Tinignan siya ng masama ni Coach.
"Ikaw, Patrice." Napunta naman ang tingin namin sa bata. Nanlalaki ang mata niyang nakatingin kay Coach. Ayos naman laro nito kanina—laging ganado.
"Good job. Tuloy mo lang 'yang ligalig mo sa court. Baka sa una lang 'yan ah." Namula agad si Patrice, parang si Shin din—mabilis mamula.
"Salamat, Coach! Gagalingan ko pa po sa susunod!" Nagpalakpakan naman ang buong basketball team, kasali na ako. Napatingin siya sa akin kaya nginitian ko siya. Namula na naman siya at nag-iwas ng tingin. Ginisa pa ni Coach ang lahat ng team bago kami pauwiin. It's around 6:45 PM.
"Okay, dismissed!" Kanya-kanya na kaming punta sa locker at nag-ayos para umuwi. Nang halos wala nang tao, doon ko na nilabas ang kilig na kanina ko pa pinipigilan.
Hinubad ko ang T-shirt na galing kay Eloee. Kahit pawisan na, naaamoy ko pa rin ang pabango niya sa damit. Nagtaka pa nga sila kung bakit naka-T-shirt ako kanina, pero nagpalusot na lang ako. Iniwan ko pa ang jersey ko sa room na pinag-usapan namin kanina para may dahilan akong magkita ulit kami.
I really wanted to get Eloee's phone number, but I hadn’t brought my phone since I came from the nurse's office.
"Suspect, ngumingiti mag-isa habang hawak ang damit na hindi naman kaniya." Nagulat ako dahil biglang nagsalita si Leo sa gilid ko. Hindi ko siya napansin. He also made a gun sign using his hand na nakatutok sa akin.
"Suspect, dumadayo sa Business Administration building kahit sobrang layo para lang sumilay," Asar ko naman pabalik. Ngumiti siya, mukhang maraming dalang banat. Nilabas niya ang cellphone niya at pinindot ang video sa camera. Tinutok niya 'yon sa akin.
Buong loob akong humarap doon. I was naked from the waist up, so I flexed my abs and biceps.
"Suspect, naging bading—" Hindi niya natapos ang sinasabi dahil humahalakhak na siya. Aba, gago ah. Tumango-tango na lang ako at ngumiti kahit naiinis na ako ng kaonti.
"Suspect, tumakbong SK wala namang ala—" Tinakpan niya agad ang bibig ko gamit ang kamay niya. Dahil sa bilis ng kilos niya, nalasahan ko pa ang alat nun. Putangina, ang dugyot! Mabilis kong tinanggal ang kamay niya sa bibig ko.
YOU ARE READING
Half A Heart Without You (Down Bad Series #1)
RomanceBL STORY Adivrel Noris Balagtas and Eloee Remian Harrington