Chapter 34

11.7K 545 122
                                    

Chapter 34: The Clue

Before we went to bed, we had to clean the room. They brought pails of water and a broom. They wore white masks and gloves. They even tied their hair up as they cleaned the blood on the floor. They should have looked terrified after seeing a pile of corpses, but it didn't last long as their expressions darkened with smiles of triumph, the fear was replaced by satisfaction— and as I queen who just proved her capability, I couldn't be happier. Besides, aside from killing for them, I even offered them money and gold and that would make them happier as well.

Sinubukan ko silang tulungan maglinis ngunit pilit nila akong pinigilan at hinayaan na lang nila akong manuod sa kanila. They placed every three corpses on a wooden cart, and they covered it with rags and old clothing, with a sway of my hand, I removed the noise that the wooden cart would create in the hall, and they pushed it to the back door.

"Do you want me to help you bury them?"

Mira shook her head. "We are used to burning the garbage after our service and cleaning our room tonight wouldn't be suspicious. May gabi talaga na kailangan namin linisin nang maayos ang aming silid," paliwanag sa akin ni Mira.

"Hindi na nila mapapansin ang mga katawan ito. Magpahinga ka na, Mahal na Reyna," dagdag ng isa sa kanila.

I smiled. "Alright. Thank you."

Habang abala sila sa paglilinis ay nagtungo na ako sa paliguan. May nakasalubong pa ako na tagabantay na hindi man lang sinisita iyong bawat kariton na lumalampas sa kanya.

I shouldn't have gotten worried then, huh?

Sa halip na pansinin ang mga kababaihan na abala sa paglilinis, ay ako iyong higit na pinansin ng lalaking tagabantay.

"Bakit hindi ka tumutulong sa kanila?"

"Nagawa ko na po ang parte ko. Sila naman ang maglalabas ng mga basura." He didn't look at me suspiciously and he nodded.

Isa pa, paano niya iisipin na may mga bangkay mula sa silid namin? It was good that he chose to round when everyone's done cleaning the blood, but with my strong sense, I could still smell it.

Magpapatuloy pa sana ako sa paglalakad nang maramdaman kong tumigil muli siya. "Saglit."

Tumigil din ako, humarap sa kanya at tipid na yumuko. "Ikaw iyong bago, hindi ba?"

Tumango ako. "O-Opo..."

It was easy to manipulate his mind or even threaten him to play with my hands, but I was already satisfied with those women and their loyalty. I had to play this right.

"I can smell blood..."

Dahil kapwa nasa likuran ko ang kamay ko, agad kong pinahaba ang isa kong kuko at gumawa ako ng malaking hiwa sa braso ko. Habang papalapit ang lalaki ay agad ko nang iniharap sa kanya ang nagdurugo kong braso.

Napahakbang siya at napangiwi. "Habang pinagsisilbihan ko ang isang maharlika ay may nabasag na bote ng alak dahil sa kanyang kalasingan. Sinubukan kong linisin iyon sa sahig ngunit dahil sa akin pa nagalit ang maharlika ay nagawa niya akong itulak. Tumama sa nabasag na bote ang braso ko. Kaya hinayaan na rin nila akong mauna sa paliguan para malinis—" inangat niya na ang isa niyang kamay.

"Madali para agad iyang maghilom."

Tipid akong ngumiti at yumuko sa kanya. "Maraming salamat po."

Nang sandaling kapwa na kami tumalikod sa isa't isa, marahas kong iwinagwag sa hangin ang braso ko dahilan kung bakit nagkaroon ng tilamsik ng sarili kong dugo sa pader kasabay nang mabilis na paghihilom ng hiwa sa balat ko.

Sand Scented Jar (Gazellian Series #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon