Magandang araw sa lahat!
Ito si luuhhaannlala ang mag bibigay ng bagong kwento tungkol sa dalawang taong nailayo matabos ang isang trahedya ngunit ngayon ay hindi ko muna I lalantad ang kwento nila ng mabilisan..
Hope you like this story!
Chapter 1 : The beginning
Isang babae ang nag lalakad "Saan ba ang Floriste de masirke?" tanong ng dalaga sa kanyang sarili.
My nakita itong matandang nag lalakad "Good afternoon lola, saan itong floriste de masirke?" tanong niya sa matanda.
"Bakit mo yan hinahanap iha?" tanong ng matanda.
"Nais ko lang malaman dahil doon ako tutuloy ngayon." paliwanag ng dalaga.
Itinuro nito ang daanan "Doon sa likod ng bakery shop my masikip na daanan doon na my hagdan sundan mo lang ang daanang yun at pag-katapos kumaliwa ka diretso lang makikita mo na yung sign ng hinahanap mo." pag-turo ng matanda.
"Salamat lola mag ingat kayo sa daan." umalis na ang matanda.
Nag tungo na ang dalaga sa itinurong daanan ng matanda, nakarating na siya sa lugar na yun ngunit walang tao ng buksan ang pintuan.
"Hello, ate Georgia nandyan ka ba?" mahinhin niyang sigaw sa loob ng bahay.
Ngunit walang tao kaya pumasok na ang dalaga, may narinig na tunog ang dalaga mula sa ibaba sinundan nito ang tunog.
Nakita niya ang hagdan pa baba "Ate Georgia nandyan ka pala." bumaba ang dalaga.
"Nandito kana pala? kailan ka dumating?" tanong nito sa dalaga.
Hawak-hawak nito ang boteng nabasag "Ah, kanina lang Ate, ano a-ng ginagawa mo?" curious na tanong ng dalaga habang naka tingin sa paligid.
Nililinisan nito ang kalat sa sahig "Wala nag eexperiment lang." ngiti nitong saad.
Nag taka ang dalaga kung para saan ba yun "Para saan yan Ate?" tanong ulit ng dalaga at lumapit ito upang makita ang ginagawa niya.
Nakita niya ang librong nakalagay sa lamesa at ang hawak-hawak na bote ni Georgia na may lamang hindi niya alam "Gusto ko lang malaman kung totoo ba yung hula ng matanda tungkol sa librong ito." sabad naman nito na hawak-hawak rin ang libro.
Na pa upo at napa kamot sa ulo ang dalaga "Ate kung ano-ano ang naririnig mo isa lang yang imagination wag kang maniwala doon, tama na yan." kinuha ng dalaga ang libro at ibinalik sa dati nitong lalagyan.
"Fine! tara na mag luluto pa ako." bumalik na sila sa itaas at upang mag luto ng pang hapunan.
Habang kumakain sila "Nga pala Ate dito muna ako titira sabi nila mama." sabi ng dalaga kay Georgia.
"Ayus lang para may kasama ako dito." sabad naman nito sa dalaga.
Ang dalagang tinutukoy ko ay si Seiren na mula sa South Korea at nag tungo sa Spain.
Nag libot-libot ang dalaga sa bahay ng kanyang ate "Ganda ng mga koletsyon mo! saan galing ang mga ito?" tanong ni Seiren sa ate niya.
"Mga binigay lang yan." sagot ni Georgia sa dalaga.
"Qué bonito." sabi ni Seiren sa hawak-hawak niyang vase na tila ba ginuhitan ng magandang larawan.
Ang "Qué bonito" meaning "so beautiful" in another word.
Lumapit si Georgia "No lo toques." sabi nito kay Seiren at kinuha ang vase ibinalik sa dati nitong pwesto, natawa pa si Seiren sa sinabi nito sa kanya.
Ang "No lo toques" ibig sabihin "don't touch it"
"Hindi ko alam kung bakit mo haligan ang mga bagay-bagay na to?" tanong ni Seiren kay Georgia.
Ngumiti lang ito, biglang my pumasok na babae "Ano yun ate?" tanong ni Georgia sa costumer.
May pinakita itong resibo "Yung pina-ayos kona relo." sagot ng costumer.
"Ayy! saglit lang kukunin ko." kinuha ni Georgia ang relo sa ibaba.
Habang si Seiren ay pumunta sa library ni Georgia. Dumating na si Georgia at ibinigay ang relo "Eto Ate, salamat." umalis na ang costumer.
Lumabas si Seiren na may hawak-hawak na libro "Ano nanaman yang kinuha mo?" tanong nito sa dalaga.
"Libro! kinuha kolang doon." sagot nito.
Matapos ang araw na yun inayus ni Seiren ang kwarto niya na ipinahiram ni Ate niyang si Georgia. Doon siya nag pahinga ng buong araw dahil may trabaho siya mamayang gabi.
Nag apply ito sa isang resto bar pero ang schedule niya ay pang gabi. Nagising ito ng 8:00 pm nag simula siyang mag bihis at pag-katapos ay bumaba na ito.
Nakita siya ni Georgia na pababa "Aalis kana?" salubong nitong tanong.
Nadatnan siyang nag sasapayos sa baba "Oo aalis na ako." sagot naman niya.
"Sige, ingat!" sabi niya sa dalaga.
Nag tungo si Seiren sa hintayan ng bus may nakita rin siyang nag hihintay ng bus tumayo lang ito sa tabi.
Ilang oras lang ay may dumating nang bus hindi ko napansin napa hinto ako papasok ng bus ng biglang sumulpot ang lalaki at inunahan akong pumasok sa bus, ngunit hinayaan konalang at umupo ako sa harapan niya.
Pinag mamasdan ni Seiren ang bawat lugar na dinaanan nila, nakita niya ang mga taong na mamasyal at ang iba ay nakatambay lang sa gilid. May naalala si Seiren nung araw na sila ay nag tungo sa Spain nung siya ay bata pa.
Lalo na nung nag tungo sila sa Jardines de Sabatini kung saan ito ay malapit sa royal palace maganda ang lugar at ito ang balik-balikan nila noon sa Madrid Spain.
Sariwa pa sa alaala ni Seiren ang lahat "Daddy ang ganda ng lugar." turo ni Seiren sa fountain.
Ngumiti naman ang daddy nito "Oo anak." sabay halig sa pisngi ni Seiren ang kanyang ina naman ay kumukuha ng litrato at video nilang mag ama.
Pinag mamasdan ni Seiren ang litratong nasa kanyang selpon na kinunan sa Garden na pinuntahan nila.
Biglang pumara ang lalaki na nasa likuran ko, pumara ito sa tabi ng tindahan ng huminto na ang bus ito ay agad na bumaba.
She signed "sino kaya yun nakatakip naman ang mukha." curious na tanong ni Seiren sa sarili.
Ilang metro lang ang layo pumara na si Seiren at pumasok sa resto bar "Buenas noches, chicos!" bati nito pag pasok sa loob.
"Buenas noches!" sabi naman ni Franklin na kasama niya doon.
Nag tungo agad si Seiren sa kusina upang tumulong dahil doon siya na assigned. Ilang oras lang ay may mga costumer na sila kaya naging busy na silang lahat.
"Waiter, ang order ko ay dalawang Black Cod." sabi ng isang costumer.
habang sa kabilang lamesa "Waiter, order ko ay Robata Grill para saming lahat." sabi ng costumer.
Dinala nila ang mga order sa kusina at ibinigay sa mga costumer.
Ang oras 10:00 pm na nag call na ang manager nila at nag closed na sila umuwi na agad si Seiren pag dating ulit sa hintayan ng bus nakita niya ulit ang lalaki at nakasabay niyang sumakay ng bus ulit. Pinag mamasdan nito ang lalaki ngunit hindi niya makita ang mukha nito gamit ang salamin ng bus.
BINABASA MO ANG
𝐓𝐇𝐄 𝐒𝐄𝐂𝐑𝐄𝐓 𝐎𝐅 𝐌𝐑. 𝐈𝐆𝐍𝐀𝐂𝐈𝐎 (love series)
RomanceDescription: - I hope you like this story! This story is all about family, love, sacrifice and etc. My main character is Seiren Maurél Alvarado and her partner is Sebastián Esteban Ignacio (ang lalaking nakasabay ni Seiren sa bus) behind all the Mys...