Part 1: Chapter 2

9 2 0
                                    

This chapter 2 called Beyond the Grave!

I hope you like it!

Bumaba nalang si Seiren sa bus hindi nalang niya pinansin ang lalaking yun, nag lalakad siya pauwi sa bahay nila nakikinig ito ng kanta habang nag lalakad napansin niya na parang may sumusunod sa kanya, kaya binilisan niya ang pag lakad ng makarating nasa hagdanan nakabangga niya ang ate Georgia niya “Aray.” nagulat siya na parang pinag papawisan, napansin ni Georgia yun.

“Nandito kana pala! ok, kalang?” tanong niya

“hindi para kaseng may sumusunod sa'kin kanina eh.” sagot nito, natila palingon-lingon pa sa paligid

Kaya sabay na silang umuwi “Halika na umuwi na tayo.” sobrang natakot si Seiren doon.

Pumasok na ito sa kwarto niya iniisip kung sino yun, tahimik at nag iisip siya ng may biglang bumato sa binata niya “Clang!!” tunog ng ibinatong bato sa balcony ni Seiren.

Agad itong tumayo at tinignan kung ano yun “Sino yun?” tanong ni Seiren sa sarili, agad nitong binuksan ang pintuan ng kanyang balcony.

Nakita niya ang maliit na batong may papel na naka balot dito “Ano kaya to?” pinulot at binuksan niya ang papel na may nakalagay na sulat.

laman ng papel “No intestes descubrir quién soy, o algo podría pasar que no te gustará.” Isa pala yung sulat na may babala.

translate “𝘋𝘰𝘯'𝘵 𝘵𝘳𝘺 𝘵𝘰 𝘧𝘪𝘯𝘥 𝘰𝘶𝘵 𝘸𝘩𝘰 𝘐 𝘢𝘮, 𝘰𝘳 𝘴𝘰𝘮𝘦𝘵𝘩𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘪𝘨𝘩𝘵 𝘩𝘢𝘱𝘱𝘦𝘯 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘺𝘰𝘶 𝘸𝘰𝘯'𝘵 𝘭𝘪𝘬𝘦”

Tumayo si Seiren ng nabasa niya yun, nakita niya ang isang lalaking naka tayo sa tabi ng ilaw, umalis din ito ng makita niya si Seiren na naka tingin sa kanya, agad namang bumaba si Seiren at binuksan ang pintuan “Seiren halika na kuma—” naputol ang sasabihin niya kay Seiren ng nakalabas na ito at hindi siya pinakinggan.

Pag labas ni Seiren sinundan niya kung saan dumaan yung lalaki pero hindi na niya na habol, kaya bumalik nalang ito sa bahay “Oh, ayus kalang? bigla kang tumakbo palabas.” tanong ni Georgia.

Umupo si Seiren “May nag bigay kase sa'kin ng sulat diko naman kilala.” saad ni Seiren.

“Patingin nga.” ibinigay naman ni Seiren ang papel na may sulat.

“Eh, hindi mo ba kilala kung sino nag bigay nito?” tanong nito kay Seiren.

“Hindi ate eh.” sagot niya ng may kaba sa dibdib.

“Naku hayaan mo na yan at kumain na tayo.” nilapag na ni Georgia ang plato sa lamesa at kumain na sila.

“Sarap ng luto mo ate.” papuri ni Seiren ng matikman niya ang specialty ni Georgia.

“Ito naman, siyempre ako pa ba.” nag tawanan ang dalawa.

Nag paalam na si Seiren na tataas at matutulog na ito dahil napagod sa trabaho.

“ring.....ring!!” tunog ng selpon ni Seiren agad naman nitong kinuha ang selpon niya.

“Hello.” tawag nito.

“Hi, sis musta na?” tanong nito sa kabilang linya.

Nagulat si Seiren “Sino to?” tanong niya na kinalungkot ng mukha nung nasa kabilang linya.

“Grabe ka sis, isang taon na di tayo nag kita kinalimutan mo na ako?” tampong tanong nito kay Seiren.

Nag isip-isip si Seiren “Wh— Luna??” biglaang pag sigaw nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 6 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

𝐓𝐇𝐄 𝐒𝐄𝐂𝐑𝐄𝐓 𝐎𝐅 𝐌𝐑. 𝐈𝐆𝐍𝐀𝐂𝐈𝐎 (love series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon