CHAPTER 6

1 0 0
                                    

Café Trio

Andres' POV.

"Grace, sabihan mo si Mang Robert na ihanda na ang sasakyan. May pupuntahan tayo," utos ko sa secretary ko habang inaayos ang folder na hawak ko. Diretso ang tingin ko sa bintana ng opisina, pinagmamasdan ang ulan na tila sinasabayan ang bigat ng nararamdaman ko.

Pupuntahan ko ang cafe na pagmamay-ari ni Celes. Iba talaga ang kabog ng dibdib ko kahit hindi ko pa siya nakikita. Pakiramdam ko, may banda sa loob ng puso ko na hindi marunong magpahinga. Pawis na pawis ang mga palad ko kahit wala namang dahilan para kabahan. Parang hindi pa ako handang makita sya, pero gusto ko—ang labo!

Sa loob-loob ko, parang may ipo-ipo ng emosyon. Kaba, excitement, kaunting takot—sabay-sabay silang nagwawala. Hindi ko alam kung bakit ganito, pero ang sigurado ako, hindi na ito normal.
Habang hinihintay kong makabalik si Grace, kinuha ko ang phone ko at binuksan ang mga apps. Pumunta ako sa page ng cafe at sinimulang i-stalk ito. Agad akong napahinto nang makita ko ang mga picture ng mismong cafe at mga staff nito. Napansin ko agad si Rys. Nakangiti siya sa isang larawan, nagseserve ng drinks sa mga customers. Tiyak, siya nga iyon.

Ngunit mas naging curious ako sa sumunod na larawan. Isang babaeng nag-aayos ng cookies sa isang tray na nakapatong sa counter. Mabilis kong napansin na mukhang si Raine ito—ang buhok niya, ang suot niyang apron, at ang mga galaw niya na parang sanay na sanay sa ginagawa. Naisip ko, “So, siya pala ‘yon.”

Habang nakatulala ako, malalim ang iniisip, bigla akong napabalik sa realidad nang marinig ko ang katok sa pintuan ng opisina ko.

"Come in," sabi ko nang mabilis, ang boses ko medyo seryoso.

Bumukas ang pinto nang dahan-dahan at bumungad sa akin ang dalawang anak ko kasama ang asawa ko. Biglang gumaan ang pakiramdam ko.

"Dad!" masiglang tawag ng bunso kong si Nathalia, bitbit ang paborito niyang stuffed toy. Agad siyang lumapit at niyakap ako nang mahigpit na para bang ilang araw niya akong hindi nakita.

"Hello, sweet pea. How's your day?" tanong ko sa kanya habang hinahaplos ang ulo niya.

"It's good po, daddy. I made some friends at school," sagot niya, nakangiti at masigla. Parang nagliwanag ang buong opisina dahil sa ngiti niya.

Samantala, ang panganay kong si Brianna, dumiretso sa sofa sa gilid ng desk ko. Umupo siya roon, hindi man lang tumingin sa akin. Nakayuko siya, abala sa pag-scroll sa phone niya na parang wala kaming ibang tao sa kwarto.

"Brianna," tawag ko sa kanya. Hindi siya kumibo.

"Brianna," ulit ko, mas malakas na ngayon.

Tumingin siya sa akin saglit at maikli niyang sinabi, "Yes, dad?" bago muling bumalik sa pagtingin sa screen ng phone niya. Napailing na lang ako pero hindi na kumibo.

Nilingon ko ang asawa ko na nakatayo lang sa tabi ng pinto. Napangiti siya at tumango sa akin. Alam kong kahit abala at magulo minsan, sila pa rin ang dahilan kung bakit kaya ko lahat ng pagod sa araw-araw.

"Hey, hon." Lumapit sa akin si Fiona, my wife. She kissed my cheeks and hugged me.

"Bakit napadaan kayo?" I asked.

"They want to see you." She answered.

May sasabihin pa sana sya kaso may kumatok sa pinto. Sinabihan ko itong pumasok at bumungad naman si Grace.

"Sir, handa na po ang sasakyan." Saad nya na ikinapagtaka ni Fiona.

"Where are you going?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 8 hours ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Beyond The Smile | Twilight2wixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon