Story #6 - Elevator
*TING!
"What floor po ma'am?" Tanong ko pagbukas na pagbukas palang ng elevator. Kasalukuyang nakahinto ang elevator sa ground floor.
Madali lang ang trabaho ko. Iaasist ko lang ang mga sumasakay sa floor na pupuntahan nila at paulit-ulit na ganoon ang mangyayari sa bawat araw at babayaran na ako.
Matagal na ako sa trabahong 'to.
Pero kung inaakala niyong madali lang ang trabahong ito gaya ko.. pareho tayong nagkamali.
Dahil sa gusali ng Munisipyong 'to, nagtatago ang kakila-kilabot na kababalaghan.
Naaalala ko pa, noong unang buwan ko palang sa trabahong 'to.
---PAGBUKAS pa lamang ng pinto ng elevator ay bumungad sa 'kin ang tumpok ng mga nagdadagsaang empliyado ng gusaling 'to.
Iba't iba ang floor na bababaan nila na nakaayon sa kanilang trabaho.
At ako, si Liza Gonza ang nakatoka para sa pag-aasist sa mga pumapasok ng elevator.
Nandito ako at ang iba ko pang mga kasama sa ganitong trabaho upang masiguro namin na magiging maayos ang takbo ng elevator at hindi maabuso ang paggamit ng mga ito.
Madalas kasi na pinaglalaruan ng mga walang magawang tao ang mga pindutan dito sa loob ng elevator kaya madalas na nasisira ang mga ito. Kaya naman naisip ng management na maglagay ng tao rito at kami nga 'yun.
"Fifth floor, please."
"Seventh floor,"
"Eleventh floor,"
Iba't ibang floor ang mga sinasabi nila at doon ko sila binababa. May iilan ding pababa sa ground floor na nanggaling sa taas.
Paulit-ulit na ganoon ang gawain ko sa trabahong 'to at malaki ang pasasalamat ko kay Lord, syempre dahil sa pagtupad niya sa wish ko na magkaroon ng trabaho at syempre sa aming mayor na si Mayor Jaytee sa pagpapapasok sa 'kin dito.
Para kasi sa isang katulad ko na walang pinag-aralan at halos grade one lang ang natapos ay nahihirapan talaga ako maghanap ng trabaho. Pero thanks God! May mga trabaho na hindi mo kailangan ng diploma para magawa mo.
Okay na okay ako sa trabaho ko noong unang Linggo ko rito pero noong mga sumunod na araw ay may kakaiba na akong nararanasan at nararamdaman sa loob ng elevator lalo na tuwing sumasapit ang alas-tres ng hapon at mas lumalala tuwing ala-sais kung saan nag-aagaw ang liwanag at dilim.
"Anong floor po ma'am, sir?" Pagtatanong ko sa mga taong pumasok sa loob ng elevator pero hindi pa man sumara ang pinto nito ay nag-overloaded na ang loob ng elevator.
*Titt! Titt!
"Overloaded po tayo." Pahayag ko at napatingin ako sa mga kasama ko sa loob ng elevator. Ang elevator na 'to ay kayang magsakay ng sampung tao kaya nagbilang ako sa isip ko kung ilan kaming nasa loob.
Siyam kami sa loob kasama ako kaya laking pagtataka ko kung bakit nagreklamo 'yung elevator ng overloaded. Hindi naman over weight ang mga kasama ko sa loob ng elevator. Sakto lang ang mga timbang nila.
"Ako na lang," pagpaparaya nung isang lalaki kaya bumaba na siya ng elevator kaya pinundot ko na 'yung botton para magsara pero hindi pa rin 'to sumara.
*Titt! Titt!
"Overloaded pa rin po." Nagtataka ng pahayag ko at ilang ulit ko pang ni-try na isara ang pinto pero ayaw talaga.
BINABASA MO ANG
Halika, kwentuhan tayo. (Compilation of One-Shot HORROR Stories)
TerrorCompilation of my One-Shot Horror Stories. All original came from my crazy and wide imagination. XD Humanda ng matakot.. at mangilabot.