ISANG GABI, sa ilalim ng maliwanag at bilugan na buwan sa Baryo Alanganin ay isang binatilyo ang mamamataang naglalakad sa kahabaan ng lubak na kalsada. Ginabi sa pangangapit bahay noon ang binatang si Isko. Hindi niya napansin ang oras sa sobrang pagkaaliw sa panonood sa telebisyon ng kaibigan.
Hating gabi na nang mapagpasyahan niyang umuwi. Nagdadalawang isip siya noon kung uuwi pa ba siya o makikitulog nalang sa bahay ng kaibigan. Usap-usapan kasi sa kanilang Baryo ang paggagala ng mga kaluluha ng mga nakalibing sa malaking sementeryo na sakop ng kanilang lugar. Balita sa buong Baryo nila na tuwing hating gabi, tuwing sasapit ang kabilugan ng buwan ay makikitang animo'y nagsasagawa ng parada ang mga kaluluwang ito at kapag natyempuhan mong masalubong ang parada ng mga taong namatay na ay isasama ka nila sa hukay.
Sobrang takot ang lahat sa kwentong 'yun kaya alas-otso palang ng gabi ay wala ka ng makikitang mga nagpapagalagala sa daan at patay na ang mga gaserang nagbibigay liwanag sa mga kabahayan. Napatunayan na kasi na totoo ang balitang kumakalat na 'yun. Naikwento kasi ni Aling Galing nakabaryo nila na nasalubong daw ng asawa niyang si Mang Gustin ang napapabalitang parada ng mga patay. Gabi noon ng papunta raw ang huli sa inuman sa kabilang Baryo nang masalubong niya ang sinasabing parada at noong kinaumagahan ding 'yun matapos makauwi galing inuman ay inatake sa puso ang huli at agad itong binawian ng buhay.
Lalo tuloy lumakas ang paniniwala at takot ng mga tao sa mga kwentong ito. Panigurado kasing kapag nasalubong mo ang parada ay sigurado ng may mamamatay.
Pero kahit gabi na ay naisip pa rin ni Isko na umuwi dahil malalagot siya sa kaniyang Itay kapag hindi siya umuwi. Kaya sa huli ay naisipan niya pa ring umuwi nalang. Plano niyang mag-abang ng daraang sasakyan upang makisabay nalang pauwi sa kanila.
Dito sa Baryo Alanganin ay kakaunti lang ang mga mamayanan. Magkakalayo ang mga bahay at walang maayos na suplay ng kuryente ang bawat tahanan. Tanging ang bahay lamang ng kaibigan niyang si Mak-Mak ang may liwanag sa madilim na gabi sa Baryo nila. Kaya madalas nandoon siya para makinood.
"Takte! Sa susunod hindi na talaga ako magpapagabi sa daan." Nasabi ni Isko sa sarili habang naglalakad. Kanina pa siya nag-aabang ng daraan na sasakyan pero wala talaga siyang makita kaya napagpasyahan niyang maglakad nalang muna pauwi at kapag may dumaang sasakyan ay agad niya itong ipapara.
Unti-unting natutuyo ang lalamunan ni Isko sa sobrang kabang nararadaman habang papalapit siya ng papalapit sa sementeryo. Wala siyang choice kundi ang dumaan dito dahil ito lang ang daan pauwi sa kanila.
Malikot ang mga mata ni Isko habang naglalakad. Gusto niyang maging handa sa mga pwedeng mangyari sa paligid niya. Ang tahimik, sa sobrang katahimikan ng paligid ay naririnig niya ang sariling paghinga at kaniyang mga pagyabag. Agad na napayakap at nahaplos niya ang magkabilang braso ng umihip ang malamig na hangin kasabay nun ang pangingilabot ng buo niyang katawan.
Otomatikong napahinto siya sa paglalakad ng ilang layo nalang ang sementeryo sa kaniyang kinalalagyan. Ilang beses siyang napalunok, nagpapawis na siya ng malamig at basa na rin ang mga palad niya sa sobrang nyerbiyos na nararamdaman.
Paano kung makasalubong ko ang parada ng mga patay? Paano kung isama nila ako sa hukay? Ayoko pang mamatay, bata pa ako! Takot na takot na pag-aalala niya. Hindi niya alam kung tutuloy pa ba siya o hindi nalang. "Nandito ka na Isko, matapang ka, 'di ba? Kaya mo 'yan!" Panghihikayat niya sa sarili.
Madiin siyang napapikit at humugot ng malalim na paghinga at buong tapang na naglakad papasok sa sementeryo. Gustong gusto niyang tumakbo ng mabilis pero hindi niya nagawa. Mabigat ang mga paa niya habang naglalakad. Ngayon niya lang napagtanto na nakakatakot pala talaga sa sementeryo tuwing gabi. Madalas kasi ay tambay sila ng barkada sa sementeryong ito tuwing umaga at hindi niya naisip na ganito pala ang itsura ng sementeryong pinagtatambayan nila kapag gabi.
BINABASA MO ANG
Halika, kwentuhan tayo. (Compilation of One-Shot HORROR Stories)
HorrorCompilation of my One-Shot Horror Stories. All original came from my crazy and wide imagination. XD Humanda ng matakot.. at mangilabot.