[3 MONTHS LATER]
"Shit! Your highness watch out!"
Sinangga ko ang kamay ng nilalang na sumugod sa akin at sinaksak ito gamit ang gawa sa yelong espada. Walang kakurapkurap kong pinanood ang pagbagsak ng nilalang sa lupa. Hindi ko ininda ang dugong tumalsik sa aking mukha o ang mga dugong nagmantya na sa aking kasuotan.
"That was close," aniya pa. Nasa tabi ko na ito at nakatanaw sa buong paligid na puro duguang katawan ng mga nilalang na may pisikal na anyo gaya sa tao ngunit walang ilong, bibig, at kulay. Purong itim din ang bumabalot na kulay sakanilang mga katawan.
(I do not own this picture, or other pictures that I used and will be using in the future. This is only a representation of a certain character)
"Saan kaya nanggaling ang mga 'yan mahal na prinsesa?" Tanong ni Leo.
"Iyan ay hindi ko alam at wala akong balak alamin," malamig kong tugon.
Naramdaman kong napatitig sa akin si Leo. Kaya nilingon ko siya. Bakas sakanyang mukha na hindi niya batid kung nagbibiro lang ba ako o hindi.
"Ngunit bakit mahal na prinsesa? Muntik ka na nilang masaktan," pahayag ni Leo.
"Hindi naman ako nasaktan." Ibinalik ko ang tingin sa mga nagkalat na nilalang na walang mukha.
"Pero sa tingin ko ay dahil ito roon sa itim na miasmang biglang lumitaw at bumabalot ngayon sa buong kagubatan ng Zanthora," malayo ang tingin na saad ko.
"Marahil iyon nga kamahalan. Hindi ba't nagsimula lamang ang paglabasan at pagkalat ng iba't ibang nilalang nang lumitaw ang miasmang iyon," pagsang-ayon ni Leo.
"Humayo na tayo. Batid kong hinahantay na ng aking kapatid ang pagbalik ko," yakag ko. Tumango ito.
Naunang lumapit si Leo sa kabayo nito at sumampa ro'n, habang muli ko pang binigyang tingin ang hijdi pangkaraniwang nilalang bago sumampa rin sa aking kabayo.
"Hiyah!" Kasabay nang pagtapik ko gamit ang paa sa katawan ng kabayo ay ang pagtakbo nito palabas ng lugar na iyon, kasunod ko sa aking likuran si Leo.
___
"ANONG nangyari sa inyo at punong-puno ng dugo ang iyong kasuotan, Nefeli? Maging ang iyong mukha ay nababahiran din ng dugo. May sugat ka ba? Ayos ka lang ba?"
"Ama, ayos lamang ako. Ito ay galing sa mga nilalang na nakasagupa namin habang naglalakbay kami pabalik dito," pagpapaliwanag ko rito.
Hindi ko inaasahan na bibisita ito ngayon sa Dukedom. Gayung wala naman itong pasabi na baba siya mula sakanyang palasyo.
At sa lahat ng makakakita sa itsura ko ngayon ay si ama pa na napaka over kung magreak. Kaunting gasgas nga lang noon, naalala ko, ay nagpapatawag agad ito ng physicians para lang ipatingin ako.
BINABASA MO ANG
Nefeli: The Reincarnated Villainess
FantasyRune Nefeli was a former assassin before she died because of someone dear to her. She already accepted her faith, which is to be dead and welcome Satan's abode, but when she opens her eyes she didn't expected to find herself inside a cold and dark p...