Sabi nila para maging matibay ka, kailangan mong dumaan sa mahabang proseso. Tulad ng nararamdaman mo ngayon. Kailangan mong dumaan sa maraming pagsubok para tumibay ka.
CHAPTER 1
Jhydrielle Carnaje
"Wow! Ang daming mga estudyante. Ganito pala dito ang
lawak ng school na ito at ang daming pumapasok dito.!
Ang saya naman."
Ako nga pala si Jhydrielle Carnaje, 15 years old at
nasa 3rd year high school. Kararating kulang dito
sa manila. Galing akong probinsiya pero pinadala ako ng
mama at papa ko dito para mag- aral. Hindi ko
akalaing ganito dito, ang gaganda ng tanawin at
ang gagara ng mga sasakyan at bestida nila dito.
"Jhy!!!! Halika dito dali! Nakita ko na kung saang seksyon
ka napunta.!"- sigaw ni Shamie Mejio.
Si Sham ay bestfriend ko simula pa nung bata pa kami.
Dito siya nag-aaral mula 1st year. Dito na kasi sila tumira
pagkatapos nung graduation namin sa elemtarya,
pero hindi parin nawawala ang
communication namin. Nagsusulatan kami at minsan
pinadalhan niya ako ng cellphone at simula noon
palagi na kaming nagtatawagan. Nang malaman niya na dito na ako mag-aaral sa
manila ay agad siyang tumulong sa akin para makapasok ako sa school na ito.
"Jhy, Klasmate tayo!!!!"-masayang sigaw ni Sham sa akin.
"Talaga! Ahhhh.... Magkakasama na ulit tayo sa pag-aaral" sabi ko sa kanya.
"Tara na punta na tayo doon sa room natin.
Baka ma-late pa tayo first day pa naman ngayon." At hinila na ako ni Sham
papunta sa magiging room namin.
Ilang oras pa at nag simula na ang aming klase.
Excited talaga ako sa bagong buhay ko dito.
Nakakatakot pero alam kung kaya koi to. Ako pa!(walang hindi ko kayang gawin
maging akin ka lamang! Hehehe joke lang.)
Natapos na an gaming first and second period at ngayon andito kami sa canteen.
"SNACK TIME!" sabay naming sabi ng bestfriend ko. Habang kumakain napag usapan naming kung paano ako nakapasok dito.
BINABASA MO ANG
PYRE
FantasySa mundong akala mo ay normal ang lahat ..... "Apoy! Ang lakas ng apoy!" ".... Tanggapin mo sana ang nakaatang sa iyo na responsibility". " sino ako?" "IIIIIINNNNNAYYYYY!!!!!" Apoy ang pinakapangyarihan sa lahat. Pinagmulan ito ng lahat ng bagay. Pe...