"Para makilala mo ang isang tao, kailangan mo munang makilala ang iyong sarili."
CHAPTER 2
"Apoy... ang lakas ng apoy... tulong! Tulongan niyo ako!"
Tumatakbo siya palayo. Pero habang tumatakbo
siya palakas ng palakas ang apoy... tumatakbo papalapit din sa kanya...
"Huwag...!!!!!!!!!! Tulong!!!!!!!!! Kinakain ako ng apoy!!!!"
Takot na takot na talaga siya. Hanggang sa naabutan siya
ng apoy at nilamon siya ng buo nito...napasigaw siya pero
walang nakarinig. Ang init. Masakit sa balat. Nasusunog ako...
Pero teka... ano 'yon? Nagtataka kung sabi. Ang sarap
sa pakiramdam. Ang apoy..., hindi na siya masakit sa
pakiramdam. Iba na ang feeling.., parang idinuduyan na ako sa alapaap.
"masarap ba?"
Napalingon ako. Isang napaka gandang babae ang kaharap ko.
Bigla lang siyang nagpakita sa akin. Ang nakapagtataka ay
nababalot siya ng apoy. Naka ngiti siya sa akin. Nilapitan niya ako.
Hindi ako nakaramdam ng takot sa kanya. Bagkos ay
naakagaan ng loob ko sa kanya. Parang kilala ko na siya
pero hindi ko lang matukoy kung sino.
" kahit kailan wag kang matakot sa apoy. Ito ang
buhay mo at ito din angiyong lakas. It makes you who you are.
Ang aking tagapagmana. Alagaan mo ito at gamitin sa
paraang makakabuti para sa lahat."
Bigla itong lumiwanag ng husto at parang hinihigop siya patungo sa
kawalan.....................
"Ang iingay. Ano ba?"- gising na ang aking diwa pero
nakapikit parin ako. Masakit kasi ang ulo ko. May mga
naririnig akong mga boses pero hindi ko kilala. Sino
kaya ang mga ito. (Better find out!)
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. ang ceiling
ang una kung nakita. Lumingon-lingon ako at hinahanap ang
mga boses na nagsasalita. Nang hindi ko nakita bumangon
na ako mula sa sofa na kinahihigaan ko. May mga taong nag-uusap sa gitnang kwartong ito. Nang mapansin nila ang presence ko ay agad silang tumahimik. Dahan dahan silang lumapit sa akin.
"Maupo ka muna. kumusta na ang iyong pakiramdam?"-tanoing ng isang lalaking pinakabata sa kanila tingnan.
"Okay na po ako. Medyo naguguluhan po ako. Ano po ba ang nangyari?"-ako
"Ano ba ang pangalan mo iha?"-tanong ng isang lalaking mas matanda pa sa unang nagtanong sa kanya.
"Mga faculty member kaming lahat dito. kaya wag kang matakot sa amin."-saad ng isa pang lalaki
"Jhydrielle Carnaje po."-ako
"Bago ka lang dito ano?"-lalaking unang nagtanong sa kanya. Tumingin siya sa mga kasama niya." Pwede ko ba muna siyang makausap? Nagtanguan ang lahat at iniwan silang dalawa.
BINABASA MO ANG
PYRE
FantasySa mundong akala mo ay normal ang lahat ..... "Apoy! Ang lakas ng apoy!" ".... Tanggapin mo sana ang nakaatang sa iyo na responsibility". " sino ako?" "IIIIIINNNNNAYYYYY!!!!!" Apoy ang pinakapangyarihan sa lahat. Pinagmulan ito ng lahat ng bagay. Pe...