Kabanata 5

559 42 18
                                    

ABI

"Sige, mga pre, ingat kayo!" Paalam ni kuya Gil sa nga classmates niya.

Nagpaalam din sila sa akin kaya nginitian ko sila. Pagsakay naman nila ng Jeep tsaka naman kami naglakad tatlo papunta sa sakayan namin pauwi.

Napapagitnaan ako ni kuya Gil at kuya Bullet. Para tuloy akong batang binabantayan nila para hindi makawala. Huminto ako sa paglalakad para mauna na sila sa akin pero huminto rin sila at nilingon ako.

"Bakit?" Kuya Gil asked, raising his brow.

I raised my brow too. "Mauna na kayo."

"Mauna ka!" Ani kuya Gil at hinila ako para mauna maglakad. "Ikaw pa talaga pupwesto sa likod, ah..."

Hindi na lang ako umimik. Napairap na lang ako habang naglalakad. Nasa likod ko na silang dalawa, nag-uusap tungkol sa gagawin daw nila bukas.

Habang nagmamasid sa paligid nahagip ng tingin ko ang isang street vendor na nagtitinda ng hilaw na mangga.

Humarap agad ako kay kuya Gil at niyugyog ang braso nito.

"Gusto ko ng mangga!" Parang bata kong sabi sa kanya.

"Bitaw nga!" Inalis niya ang kamay kong nakahawak sa kanya bago nilingon si kuya Bullet na nakatingin lang sa amin. "Pre, mangga daw sabi ng kapatid mo." Aniya na nagpalaki ng mata ko.

"Kuya!" Nanunuway kong sabi bago nilingon si kuya Bullet. "Biro lang 'yon, kuya Bullet. Don't mind me."

"You want one ba?" Bibilhan kita."

"Bilhan mo na 'yan, pre. Mamaktulan ako niyan mamaya sa bahay." Nagsalita na naman 'tong asungot.

"Kuya!" Pinandilatan ko siya ng mata.

"Arte mo! Pag di ka nabilhan sisisihin mo ako kung bakit di ka nakakain ng mangga. Bibilhan ka na nga ni Khal, oh."

"Wala ka bang hiya sa katawan mo? Kanina mo pa ako pinapalibre kay kuya Bullet."

"But it's fine, Zane." Ani kuya Bullet.

"Oh, fine naman pala, eh. Huwag ka na maarte. Pre, bumili na kayo. Yosi lang ako."

"Hoy, isusumbong kita kay mama!" Hinampas ko siya sa braso niya. "Pag ikaw talaga di nakapasa sa medical mo lagot ka na talaga."

"Isa lang! Pampatanggal lang ng stress dahil sa'yo."

Hindi ako makapaniwalang natawa. "At ikaw pa talaga naistress, ha? Ako nga yung kanina pa badtrip dahil sa'yo. Pinapunta mo ako dito sa school niyo tapos na pala yung klase mo. Tapos pinagmamadali mo-"

"That's enough, Zane, let's go..." hinawakan ako ni kuya Bullet sa palapulsuhan at hinila na papunta sa bilihan ng mangga.

"W-Wait, kuya..." sinubukan ko siyang pigilan pero nailayo niya na talaga ako kay Kuya Gil.

"Huwag ka na makipag-away sa kuya mo." Aniya nang huminto kami sa bilihan ng mangga.

"Eh kasi siya, eh. Lagi niya na lang akong iniinis." Nagkibit balikat ako at sumimangot.

Nakita ko ang pag ngiti niya kasabay ng pag-iwas niya ng tingin. Nakagat ko ang ibabang labi ko para hindi rin ako ngumiti. Tumingin na lang kami pareho sa tindero na nakatingin na pala sa amin at naghihintay.

"Ilan gusto mo?" Tanong niya sa akin habang namimili ng mangga. "Magkano po?"

"20 isang stick niyan. 150 pag kilo. May kasama na 'yong alamang at asin na maanghang." Ani manong.

Bumaling siya sa akin.

"Dito mo na ba kakainin o sa bahay na?"

"Dito na lang po," nakangiting sagot ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 3 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bullet of Rules (Military Series 4) On-going Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon