Kabanata 4

877 36 20
                                    

ABI

And that was the start of me accepting the reality of our age-gap.

That was a few months ago. Ilang beses nga ba akong na little sister zone ni kuya Bullet? Marami na. Maraming beses na rin akong nanghihinayang dahil gustong-gusto ko siya pero hindi naman pwede. Tinanggap ko na lang na hanggang ganun na lang talaga kami.

"Abi sinend ko na sa gmail mo yung chapter 1 and 2 ng business plan natin." Ani Kate, isa sa kagroup ko sa business plan at kaibigan ko rin.

"Sige check ko mamaya pag-uwi ko." Aniko habang nilalagay sa bag ang laptop ko.

"Diretso uwi ka na ba? Ayaw mo gumala?"

"Hindi na, Kate. May inutos kasi sa akin si kuya. May ihahatid akong libro sa school nila."

Lumapit siya bigla sa akin at ngumisi. "Kuya? Sinong kuya 'yan? Iyan ba yung kinukwento mong crush mong kaibigan ng kuya mo?"

I immediately shook my head. "Hindi, ah! Si kuya Gil yung pupuntahan ko sa school nila. Inutusan niya ako kaya kailangan ko 'yun sundin dahil papagalitan ako nun."

"Sus, syempre kung nasaan ang kuya mo nandoon din ang crush mo! Yiee! Magkikita sila!" Nang-aasar niyang sabi at sinundot ang tagiliran ko para kilitiin.

"Para naman 'tong tanga, tumigil ka nga!" Natatawa akong umiwas sa kanya. "Little sister nga ang tingin sa akin ni kuya Bullet. Sabi niya I'm too young daw for him. Nag momove-on na ako sa kanya kaya 'wag mo na akong asarin."

"Move-on, ha? Eh, paano kung mag-iba ang ihip ng hangin at bigla na lang siyang nagkagusto sa'yo? Paano kung hindi naman pala little sister ang tingin sayo ni Kuya Bullet?" Pinaningkitan niya ako ng mata.

"Edi tatanggapin ulit. Sino ba naman ako para tumanggi sa kanya?" I answered that made us laugh.

"Sabi na nga, eh! Malandi ka talaga, Abi!" Aniya tsaka ako hinampas sa braso dahil sa kilig niya.

"Sakit, ah! Mas kinikilig ka pa sa akin, Kate."

Pagkatapos namin ayusin ang mga gamit namin sabay na kaming lumabas ng campus. Same way lang din naman kami kaya sabay kaming umuwi. Kailangan ko pa kasing kunin sa bahay yung libro na pinapahatid ni kuya kaya uuwi muna ako.

"Kailan mo siya last nakita, Abi?" There she is again, asking questions about him.

"Last month pa ata. Pag pumupunta kasi siya sa bahay nagkakataon na wala ako. Hindi ko siya naaabutan."

"Ayaw niya na bang tumira ulit sa inyo?"

"Hindi ko alam. Pinipilit nga siya ni mama na doon na lang sa bahay umuwi para may kasama siya kaso lang ayaw pumayag. Gusto atang magpag-isa."

"Ah…" tumango-tango siya. "So, masaya ka noong mga panahon na sa inyo siya nakatira?"

Napabuntong hininga ako.

"Alam mo, maniwala ka man o sa hindi, halos hindi kami nagkikita ni kuya Bullet sa bahay simula nung nag start na ang school year. Maaga akong umaalis tapos pag-uwi ko hindi pa sila umuuwi ni kuya Gil galing sa school nila. Kung kailan naman tulog ako tsaka sila darating. May mga pagkakataon na nagkikita kami pero saglit lang."

Ganun ang nangyari sa nakalipas na isang buwan na sa bahay siya nakatira. Ang hirap-hirap niyang hagilapin! Nasa iisang bahay lang kami pero hindi ko siya makita o makausap. Sabi ni kuya Gil busy daw sila sa school kaya halos hindi na namin sila makita ni mama sa bahay.

Pagdating ko sa bahay nagpalit ako ng damit. Nagsuot lang ako ng simpleng puting top at gray pants. Yung libro naman na pinapadala ni kuya nilagay ko sa small backpack kasama ang cellphone, wallet at tumbler.

Bullet of Rules (Military Series 4) On-going Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon