Kabanata 3

2.1K 59 27
                                    

ABI 

Little sister…

Padabog kong hinubad ang suot kong tsinelas bago humiga sa kama. Tumitig ako sa kisame at natawa na lang. 

"Little sister, ha?" 

Paulit-ulit na iyon sa isipan ko na parang isang sirang plaka. Paminsan-minsan natatawa ako pero may parte din sa akin na hindi matanggap ang sinabi niya. 

"Talagang nilagyan pa niya ng little, ah?" 

Hindi na ako kumain ng hapunan dahil nawalan na ako ng gana. Dinala ko na lang ang burger at fries dito sa kwarto para may makain ako kapag nagutom ako mamaya. 

Habang hinihintay kong dalawin ako ng antok inasikaso ko na lang muna ang mga pinamili ko kanina. Pinaglalagay ko iyon sa bag at itinabi. Ang tanging iniwan ko lang sa mga pinamili ko ang librong sinabay ko bilhin kanina. 

Nagbasa ako ng ilang page sa libro hanggang sa makaramdam ako ng gutom. Kinain ko ang dala kong burger at fries habang nagbabasa. 

Nahook agad ako sa binabasa ko. Bago itong release na libro ng paborito kong author. Maganda ang story pero mas nahook ako sa story ng side characters. 

Yung kaibigan kasi nung bidang lalaki may gusto sa kaibigan ng kapatid niya. 

"Kailan kaya niya ipupublish yung story nila? Gusto ko 'yon mabasa!" Kinikilig na sabi ko. Nilapag ko ang hawak kong libro para icheck sa wattpad kung naroon na ba ang story na tinutukoy ko. "Sayang wala pa…" 

Binitawan ko ang cellphone ko. Nagpagulong-gulong ako sa kama dahil sa panghihinayang. Gusto ko iyon mabasa. Gusto kong malaman ang POV ng lalaki sa mga katulad naming bata pa sa paningin nila. 

Gumulong na naman ako sa kama hanggang sa tuluyan na talaga akong nahulog sa sahig. 

"Shet naman, eh…" 

Pisil-pisil ko ang balakang kong tumayo mula sa pagkakahulog. Sinubukan ko rin mag stretching para matanggal ang sakit sa balakang pero hindi naman iyon umubra. 

Dahan-dahan ang lakad ko nang mapagdesisyunan bumaba para kumuha ng tubig. Sarado na ang kwarto nila kuya Gil nang madaanan ko iyon. Ganun din ang kwarto ni mama.

Pagbaba ko binuksan ko ang ilaw sa sala at kusina. Hawak-hawak ko pa rin ang balakang kong masakit nang buksan ko ang ref at kumuha ng pitchel. Nagsalin ako ng tubig sa malinis na baso bago ito binalik sa ref. 

"Abi?" 

Natigilan ako bigla nang marinig ko ang boses ni kuya Bullet. Kinabahan akong dahan-dahang sinarado ang ref bago humarap sa kanya. 

"Kuya…" I smiled at him. 

He's wearing a plain black shirt partnered with light gray pants. He's looking at me while holding an empty glass of water. 

"Good evening po," I greeted. Kinuha ko ang tubig ko sa counter.  

"Good evening, Abigail." He greeted back as he walked towards the ref to get a water. "You didn't eat dinner. Hindi ka ba nagugutom?" 

"Hindi po. Kumain po kasi ako ng burger." Sagot ko tsaka ininom ang tubig na kinuha ko kanina. 

He nodded. Ininom niya rin ang kinuha niyang tubig bago binalik ang pitchel sa ref. Pinanood ko lang siya habang ginagawa iyon. 

I can't help but to get mesmerized by his face. I meet a lot of men the same age as him pero iba talaga ang mukha niya. He's really a good looking man. He has a gentle feature with a soft eye. Siya yung tipo ng lalaki na pagkakatiwalaan mo agad dahil sa itsura niya. 

Bullet of Rules (Military Series 4) On-going Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon