RENZ'S POV:
"kagutom beh!" agad kong sabi.
"samahan nyo ko bumaba" pag aya ko kay leila at danne."beh kaya mo na yan, di kana bata" sabat naman ni danne.
"osige libre ko-"
"oh tara na!" "wait be!" agad naman nilang sabi, talagang pag libre sasama agad eh. Di nila alam wala rin naman akong pera pan libre.
"gagaleng, pag libre g agad?" tanong ko naman.
"syempre naman! libre nga diba libre"
Pag katapos mag ayos ni leila agad naman kaming bumaba. Pero pag dating naming first floor walang kahit anong tao, mga bata, at purong katahimikan lang.
"gago ang weird walang tao" ani ni leila sabay hawak sa braso ko.
"malamang te breaktime eh" pambabara naman ni danne.
sumigaw ako para takutin sila, at nag end up na tumakbo sila palabas ng building.
"HAHAHAHAHAHAAH takot na takot mga be, tingin ng mukha" agad kong pang aasar sakanila.
Pero pag dating namin ng field, may taong nakahandusay sa lupa at duguan. Agad kaming sumigaw at nag hanap ng tulong ngunit walang kahit sinong tao ang pwedeng mahingian.
"gago te! walang talagang tao-" agad na sabi ni danne na para bang natataranta pero naputol ito nang may tumawag saamin.
"pst! hoy!" hindi namin alam kung saan ito nang gagaling, hanggang sa merong nag bukas ng pinto ng cr sa may gilid namin.
"dito!!" agad na sabi ng isang teacher.
pag pasok namin sa loob ay agad naman nitong sinarado ang pinto.
"makinig kayo saakin, isa ata kayo sa mga section na hindi nasabihan ng kahit anong balita"
"ano pong nangyayari ma'am?" tanong ko naman dito.
"totoo ung kumakalat na virus, u-ung zombie virus" sagot naman nito.
"zombie?! ma'am parang hindi po ako makikipag biruan sainyo for todays vidyow" agad namang pagbibiro ni danne.
nagulat kami ng biglang hinablot ng teacher si danne na para bang galit na galit sa sinabi nito."wag mong gagawing biro ang sitwasyon ngayon babaita, andaming namatay na tao sa paligid ko kanina dahil sa letcheng virus na yan!"
"s-sorry po ma'am" agad na response ni danne.
binitawan ito nang teacher upang hindi sya matakot, pero mga ilang segundo lang ay humingi sya ng tulong saamin.
"kung gusto nyong makaligtas kailangan nyo kong tulungan" ani nito saamin.
"paano po ma'am? pero pwede po ba na sabihan po namin ung iba para lahat po tayo ay maligtas-" agad kong tanong ngunit naputol ito."hindi! pag marami tayo mas delikado, hindi tayo pwedeng mag ingay dahil nakakarinig sila" agad na sabat nito.
"s-sige po ma'am" pag sunod ko naman.
maya-maya ay lumabas na rin kami, sinigurado muna namin na walang tao sa paligid bago lumabas. tinakbo namin ang likod ng canteen kung saan niluluto ang mga pagkain na binebenta, ngunit natigil kami dahil sa takot na buksan ang pinto.
"ano buksan nyo na!" agad na utos ng teacher.
"ma'am sigurado po ba kayong ligtas pag binuksan ko po to?"
"oo bilisan mo na!"agad kong binuksan ang pinto ngunit bumungad sa harap ko ang isang zombie na kinakain ang isang tindera. bumahid ito ng lingon sakin habang may kagat kagat na parte ng katawan ng tao.
sumigaw ito at sinarado ko rin agad ang pinto, pinatakbo ko na sila ngunit sa pag lingon ko ay hawak hawak na ng teacher si danne na para bang ayaw itong pakawalan.
"tu-t-tulungan nyo ko please.." pag mamakaawa ni danne.
"ma'am bitawan nyo po sya please hindi po namin alam ang gagawin namin" agad kong sabi, si leila naman ay nasa gilid lang, natataranta at natatakot. Pinatakbo ko na sya at sinabing humingi ng tulong sa iba naming kaklase, ngunit hindi ito makalagaw sa sobrang takot.
"buksan mo ang pinto at ipapapain natin tong kasama mo para makalusot tayo" agad na utos ng teacher saakin.
"dalian mo na at baka pumunta pa dito ang iba!"pinipilit kong umisip ng paraan kung paano kami makakatakas, pero walang kahit anong pumapasok sa utak ko, naiiyak ako at di ko alam ang gagawin ko. Pero sa sobrang kagustuhan ko na maligtas si danne ay nakaisip din ako.
"leila tumakbo kana" agad kong sabi ngunit umiiling lamang sya saakin.
"tumakbo kana!" wala syang nagawa kundi sumunod saakin, dahil kung hindi sya aalis ay mahihirapan akong mag tagumpay sa plano ko.naipon na ang lakas ng loob ko at walang takot kong binuksan ang pinto, kasabay nito ang pag tulak ko sa kanilang dalawa upang madaganan ni danne ang teacher at kumawala ito sa pag hawak sakanya.
pag ka tumba nila ay gumana ang plano kong makaalis si danne, agad nya kong hinila ngunit natalisod ako sa pag takbo ko, dahilan ng pag ka tumba ko. Napansin kong tinulak papalayo ng teacher ang zombie sakanya at nag patuloy na lumabas ng pinto.
"renz tayo!" agad na sigaw saakin ni danne.
hindi ko magalaw ang paa at kamay ko, walang masabi ang bibig ko. sa pag harap saakin ng zombie ay wala akong ginawa kundi titigan lamang ito. Hinihila na ko ni danne ngunit hirap na hirap sya dahil kahit ako diko tinutulungan ang sarili ko. Para bang bumagal ang paligid ng tuluyan ng tumakbo papunta saakin ang zombie, at agad kong tinanggal ang kamay ni danne na humihila saakin.
sinubukan kong hawakan ng dalawang kamay ko ang balikat ng zombie ngunit nahuli ako at nakagat na ako nito.
"renz!" sigaw naman ni danne.
"t-tumakbo k-kana.." agad kong utos dito.
wala rin syang nagawa kundi sumunod saakin dahil pag di pa sya tumakbo ay baka targetin din sya ng zombie na kumakagat saakin.
pinikit ko nalang ang mga mata ko dahil nagsisimula na kong mamanhid, sa aking pag pikit ay nag flash back din ang mga masasayang sandali na nangyari sa buhay ko.
doon ko na pag tanto na kahit papano pala ay naging masaya rin pala ang buhay ko.

YOU ARE READING
THE BITE - Apocalypse
Mystery / ThrillerRechab Academy, a prestigious institution in a city called Antipolo, becomes ground zero for a fatal zombie outbreak. A section named Aquila tries to survive, search, and wait for help. But the question is... Will they survive?..