ZEN'S POV:
"di ka papasok?" tanong ng kaibigan ko.
"nakakatamad eh, sabihin ko nalang na nasa clinic ulit ako"
"baka pag tapos nalang ng pre cal ako papakita sa room" sagot ko."lakas talaga ng amats mo eh no, pag ikaw napatawag sa faculty bala kana" pag babanta nito sakin.
"oo na oo na sige na umakyat kana!" nakakairita, kala mo naman talaga sasama ko sya pag napatawag ako eh.
Hirap din kasi makisama sa mga tao sa room, feel ko di ako belong na something. pero meron naman akong close sakanila pero bilang nga lang, STEM 3 kasi dapat ako nalipat lang dahil nag karon ng problema.
Tumambay nalang muna ako sa gym para manood nang mga nag ppractice ng basketball, actually taekwondo player ako kaso monday tyaka tuesday lang kami may prac. kaya minsan nakakatamad na rin pumasok kasi gusto ko nalang mag practice ng mag practice.
tyaka gusto ko rin masilayan crush ko..
kaibigan ko rin sya, pero di kami ganun ka close. her name is aureia, isa syang basketball player na babae and yes i am bisexual. sumasama ako sakanila palagi pero di nila alam na tumatakas lang ako makasama lang sakanila.
di pa ko umaamin sakanya kasi minsan hindi nya rin naman ako pinapansin, pero ayos lang yun mag aantay nalang ako ng tamang oras.
"uy zen, nakita mo aureia?" tanong ng kaibigan nito sakin.
"hindi eh, bakit hindi pa ba nagpapakita sainyo?" sagot ko.
"sabi nya kasi mag papalit lang sya ng damit tas di na bumalik"
"baka naman kasi maraming tao sa cr"
"sabagay, pero if makita mo sabihin mo hanap sya ni coach ah" utos nito saakin.
"go lang beh" pag sunod ko naman.
inaabang abangan ko sya, pero hindi ko sya matanaw. kasi kung lalabas man sya ng building makikita ko naman sya.
mabilis ang pag usad ng oras pero wala pa rin si aureia, pero ilang saglit lang biglang naglabasan lahat ng kinder pati rin mga teachers sa main building. Nag sisigawan ang mga ito at nagmamadaling lumabas, tinignan ko kung anong meron at tumulong na rin ako sa pag guide sa mga bata.
pagkatapos nilang lumabas lahat ay mayroon akong nakitang kinder na naiwan, umiiyak at nakatayo malapit sa hagdan, agad akong tumakbo papunta dito pero bago pa lang ako makapasok ng pinto at ay may tumulak na sa likod nito.
"putangina.." ayan lamang ang lumabas sa bibig ko nang makita kong kinakain ito nang hindi pangkaraniwang tao.
nakatingin sakin ang mga mata nito habang kinakain ang bata, at sa pag tayo nito ay unti-unti itong lumapit papunta saakin.
pabilis
ng pabilis..
ng pabilis!
agad kong sinarado ang pinto ngunit nastuck ito, pinipilit kong hatakin hanggat hindi pa sya umaabot saakin.
"puta..please lang!"
sumisigaw ito habang papunta saakin, sumigaw din ako upang mahatak ang lakas ko at masarado ang pinto.
nasara ko ito, ngunit marunong sya mag bukas.
"luh..luh kinginaaaa!"
tumayo ako agad at tumakbo sa gym, at sa pag takbo ko ay nabangga ko ang kaibigan ni aureia na si kade.
"aray-" ani nito saakin.
"ano ba yun, bakit ka nagmamadali?""takbo dali!" sagot ko naman at hinatak ko sya.

YOU ARE READING
THE BITE - Apocalypse
Mystery / ThrillerRechab Academy, a prestigious institution in a city called Antipolo, becomes ground zero for a fatal zombie outbreak. A section named Aquila tries to survive, search, and wait for help. But the question is... Will they survive?..