14

46 3 0
                                    

SIR BATAC'S POV:

hindi ko talaga ginustong kuhanin tong offer, pero iniisip ko rin ang pamilya ko at ayaw kong mapahamak sila.

ang mga tinurok na antidote kila mark ay galing sa dugo ko, dahil sabi ng doctor ay nakaliligtas daw ito ng virus na kasalukuyang nangyayari ngayon, at dahil nandoon sila sir paul dahil sila ang nag hatid saakin sa hospital ginamit nila itong panakot saakin. Kung di raw ako susunod sakanila ay sila na mismo ang papatay saakin.

ngunit gusto ni sir paul na siya lang ang mag uutos saakin kaya pinatay nya ang iba nyang kasamang estudyante matapos syang maturukan ng dugo ko.

'sir" gulat naman ako sa pag tawag nito saakin.

"oh?" 

"pag di nila nagawa ung misyon, tayo nalang gagawa" 

"di makakaya ng sistema ko yon, ang ayos ayos ng usapan natin na sa iba natin ipapagawa dahil hindi ko kaya-" agad kong sabat.

ngunit naputol ako sa pagsasalita dahil nilabas nya ang matalim na itak na para bang tinatakot ako.

"paano na ung pamilya mo sir?" tanong saakin nito habang dahan-dahang lumalapit. 
"or kaya, paano kana?" pang habol nito.

mas mahalaga ang pamilya ko kesa sakanila, kaya kailangan kong sumangayon.

"basta hindi lang madadamay ang pamilya ko dito paul" agad kong pag sagot.

"yan, papayag naman pala eh" 

at natahimik na ang paligid.

AEDAN'S POV:

"kumikilos na sila sir" bulong ni ma'am novea habang pinagmamasdan ang ABM 1 sa labas.

"osige, aedan renz labas na kayo" agad na utos ni sir saamin.

hindi ako natatakot dahil kasama ko si renz, sabi nya ay hindi raw sya nakakagat ng zombies. Iniiwasan lamang sya palagi na parang iniisip ng mga ito na zombie rin siya.

naisipan ni sir na pumaikot kami ni renz sa likod ng church at lilinlangin nya naman ang mga ABM 1 na tulungan syang gamutin ang sugat nya upang maipasok sila sa clinic at di nila kami makita.

at si ma'am novea naman ang bahala sa mga zombies, kung sakaling maisipan ng ABM 1 na mag hiwa-hiwalay at ipapain ang mga ito. 

PLAN:
iikot si aedan at renz sa likod ng church upang makapunta sa main building at palipatin ng silid ang ibang mga kaklase. Kasabay ng pag linlang ni sir francis at pag puwesto ni ma'am novea sa 2nd floor ng PIC building.

SIR FRANCIS'S POV: 

"goodluck" agad kong sabi sakanila bago umalis.

ngumiti lamang sila saakin at tinapik naman ako ni ma'am novea.

tinanggal ko muna ang benda na nakalagay sa sugat ko, pagkatapos ay binuhusan ko ito ng alcohol upang totoo ang sakit na mararamdaman ko.

lumabas naman ako agad dahil baka biglang umalis ang ABM 1.

ika-ika akong mag lakad papunta sakanila.

"mark...tulong.." 

"sir francis!!" agad na sigaw ni melchor.

agad naman akong binuhat nila joseph at dexter dahil natumba ako kaya gumana ang plano na malinlang sila.

habang buhat buhat nila ako ay nakita ko na rin sila aedan na papunta sa main building, agad kong napansin na lumingon din si aedan pabalik.

"thankyou" kahit diko narinig ay nakita kong ayon ang lumabas sa bibig nya, at nagulat ako dahil bigla nalang tumulo ang luha ko.

mahalaga sila sakin, kaya nag-aalala ako sa mga possibleng mangyari.

THE BITE - ApocalypseWhere stories live. Discover now