12

50 7 0
                                    

YUAN'S POV:

"hindi kaya sila ung inaabangan sa main building kanina???" agad na tanong ni francis saamin.

"imposibleng inaabangan sila kung dito sila nang galing" sagot ni sir.

"nakorner??? nakorner sila don kaya di gumagalaw ung mga zombies!!" agad kong dagdag.

nadadala na ko sa emosyon ko dahil sa kaba, ayokong mabawasan pa ulit kami, hindi ako papayag.

"pero wala na ung mga zombies kanina na nakatayo sa bawat entrance..saan sila nag punta??" pag aalala naman ni francis.

tatakbo na sana ako para bumaba ngunit pinigilan ako ni sir rommel.

"kung sinasabi nyo na nandun ung mga zombie kanina, pano kung sila din ung mga zombie na nakita natin sa canteen?" 

and it suddenly hits me.

"which means.." ani ko naman.

"wala nang zombie sa canteen, at libreng libre natin makukuha ang mga pagkain na kailangan natin" agad na sabi ni sir rommel.

napag desisyunan na dumiretso nalang muna sa canteen para kumuha ng pagkain, at pagkatapos ay pupunta sa first floor ng main building upang tignan kung nakaligtas ba ang aming ibang kaklase.

pag kadating namin sa canteen ay tama nga ang kutob ni sir rommel. Walang niisang zombie ang nasa loob.

pinauna namin sila aedan at edris dahil dala dala nila ang malalaking kahoy pang harang sa mga zombies.

"mag bantay muna kayo dyan" utos ni sir sa dalawa.

kumuha na kami ng pagkain dito sa isang tindahan, at sila sir naman ang tumingin sa isa pang tindahan kung saan matatagpuan ang mga ulam at kanin.

SITUATION AT THE MOMENT:

NAGBABANTAY:
edris, aedan, ma'am novea

FIRST STORE:
yuan, francis

SECOND STORE: 
sir francis, sir rommel

MA'AM NOVEA'S POV:

napansin kong walang niisang zombies kahit saan, kaya ineexpect ko na baka lahat ay nasa main building or kaya nagtatago sa lugar na hindi namin alam.

"ma'am possible ba na merong zombies sa taas?" tanong saakin ni aedan.

"pwede, pero kung meron dapat naririnig na nila tayo ngayon"

maya-maya ay wala pa rin, kaya sinabi ko na dalian na nila upang makaalis na agad.

"dalian nyo habang wala pang zombies sa field"

natapos na sila yuan ngunit sila sir francis naman ay hindi pa.

habang nakatingin ako sakanila ay napansin kong bumukas ang back door ng building kaya naman agad kong sinabihan sila sir francis.

"sir ingat, bigla nalang bumukas ung back door dyan" sabi ko. 

"silipin ko, baka survivor lang din" sabi ni sir francis.

"samahan kita" dagdag ni sir rommel.

"wag sir!" agad na utos ni yuan.

at sa pag labas nila ay nakarinig nalang kami ng sigaw.

"sir!" agad kong sigaw, agad-agad naman kaming kumaripas ng takbo ng may biglang nag salita.

(unknown voice 1) "chill lang kayo di pa naman namin sila pinatay" ani nito.

"putangina mo sino ka?!" agad na tanong ko, punong puno na ko ng galit dahil gutom na gutom na ko at wala na kong panahon para makipag gaguhan sa mga gantong tao.

"kuya please, ang hirap na ng sitwasyon ngayon wag mo nang dagdagan oh" pagmamakaawa ni yuan.

hindi ko sila makilala dahil naka maskara ang mga ito, hawak-hawak nila sa leeg sila sir francis at sir rommel upang hindi ito makaalis. 

THE BITE - ApocalypseWhere stories live. Discover now