SPECIAL CHAPTER 5
TESSIA
"BYE, Momma!" My daughter, Tettia kissed my cheeks as she bade her goodbyes.
"See you later, Mommy!" My little Keishi also kissed my cheeks.
I smiled at them widely. "Take care, okay? 'Wag kayong magiging magaslaw. Nagkakaintindihan ba tayo, twins?" I murmured using a soft voice.
"Ma'am, yes, Ma'am!" Mahina akong napatawa nang umayos sila ng tayo at sabay na sumaludo na parang sundalo.
My cute little soldiers.
"Oh, siya, pumasok na kayo." I guided them to their school gate.
Naiiling akong napangiti nang muli silang lumingon at kumaway sa akin. I chuckled because of their cuteness. Inakbayan ni Keishi ang kapatid niya at inakay papunta sa kanilang classroom. Nang mawala na sila sa paningin ko, kaagad akong nagtungo sa sasakyang dala ko at nagmaneho papunta sa cake shop ni Arjelyn.
It took me a while bago ako nakarating doon dahil sa matinding traffic. Sabagay, pasukan na naman. Maraming mga estudyante ang bumabyahe ngayon.
Pagpasok ko pa lamang sa shop niya, bumungad sa akin si Tober na kasama ang kanyang anak na si River.
"OMG! Bilat!" Huli na nang maka-react ako dahil kaagad niya akong dinamba ng isang mahigpit na yakap.
"Aray ko naman, bakla! Magdahan-dahan ka nga!" Iritadong aniko.
Kaagad siyang humiwalay sa akin ng yakap at pinanliitan ako ng mata. "Aba, ang sungit mo, ah! Parang naglalambing lang, eh!" Nagtatampong aniya saka nilapitan ang kanyang anak at binuhat.
Inayos ko ang nagusot na bahagi ng aking dress bago muli siyang tinignan. "Boba ka ba? Kakakita lang natin kahapon." Turan ko sabay irap.
Kinuha ko sa kanya si River. I smiled widely and kissed this cute young man's cheek. I also pinched his cheek lightly causing it to redden.
Tober is overreacting, he panicked. "Oh my gosh ka, bilat!" Nagulat ako nang gagawin niya sa akin si baby River. "Look! Namula na 'yong pisngi niya!" he hissed at me.
Sinimangutan ko siya't inirapan bago linagpasan. Nagtungo ako sa pwesto ni Arjelyn at yumakap sa kanyang beywang at ngumuso.
"Arj, hon, gusto ko ng ube cake." Pagpapa-cute ko sa kanya.
Mahina niyang pinitik ang aking noo at sinimangutan ako. "Hay, kung hindi ko lang talaga alam na…" pinanliitan niya ako ng mata. I giggled, making her shake her head.
"Oo na, lumayo ka na sa akin para magawa ko na 'yong cake mo." Inirapan niya ako. Kaagad naman akong humiwalay sa kanya nang marinig ko ang kanyang sinabi.
"Yay! Thank you, Arj, hun!" I cheered in glee and kissed her cheeks.
"Anong thank you? Aba, may bayad 'to, 'no! Ano ka, sinuswerte? Shuta ka, malulugi ako sa'yo!" She exclaimed.
Tinawanan ko siya't tinanguan. Muli pa niya akong sinamaan ng tingin bago pumasok sa kusina.
Ilang minuto na akong naghihintay nang biglang nag-sidatingan sila Secret with her husband and daughter, Si Romeo na dumiretso kaagad kila Tober, at si Selenn. Saglit akong nakipag-usap sa kanila at kaagad ding nagpaalam nang dumating na ang aking cake.
The moment I got home, nagsimula na akong magluto with the help of my parents-in-law and maids. Todo alalay sila sa akin simula nang malaman nila ang kondisyon ko.
BINABASA MO ANG
Euphony Series 1: Enchanted (Completed)
De TodoCOMPLETED | UNEDITED A Collaboration Euphony Series Installment 1 of 6 Never in Tessia Hera Tuzon's life that she'll be in love with someone, and that someone is her classmate that eventually became her bestfriend, that's no other than Romeonthev Li...
