EPILOGUE

113 2 4
                                    

HER P.O.V.

BEING in love is not always full of happiness. Ang pagmamahal ay mayroong nakaikubling sakit. Just like what other people say, happiness and pain are twins. Kung walang sakit, walang kasiyahan. Kung walang kasiyahan, walang pagmamahal.

For others, pain might be bearable but for me...it's not. Ang hirap. Sobra. Losing my parents is just like losing my life. Parang nawala ang ilaw at direksyon ng buhay ko. Idagdag mo pa ang sakit na naidulot sa akin ng pagmamahal.

From the very start, I didn't like the idea of falling in love. I'm more into tragedy. Be more realistic. Not all stories end up happily...but it doesn't mean that it's not worth telling.

Today, finally, I achieved something. After years of hardship, months of suffering, and days of losing myself...here I am, ready to accept my diploma but not ready to move forward.

I sighed. After this day...I'll end my suffering. Pagod na rin ako. Pagod na pagod.

Nang matapos ang awarding ceremony, kaagad akong umalis at nagtungo sa sementeryo kung saan nakalibing ang katawan ng aking magulang.

Wala rin naman akong mapapala doon kung nanatili pa ako.

I already cut the strings...connecting to them.

"Ma...Pa...nandito na ako," I greeted them. "Nandito na ang pinangako kong diploma para sa inyo." I flashed a small smile before sitting down on the grass. Tinanggal ko ang mga dahon na nalaglag sa mismong lapida nila.

"M-Ma...Pa, hintayin n-niyo ako. Malapit na..." I whispered. Hinaplos ko ang lapida nilang dalawa at wala sa sariling napahagulgol.

I stayed there until 5 p.m., I cried like I never cried before. Inilabas ko ang lahat ng luha ko dahil alam ko sa sarili ko na pagkatapos ng araw na ito...hindi ko na ulit magagawang umiyak.

When night came, I was thinking twice kung a-attend ba ako sa Graduation Ball namin. Sa huli ay nakapag desisyon akong pumunta.

I should enjoy this before leaving. I should have fun.

I fixed myself. Sinuot ko ang binigay ni Mama sa akin noon na gown. Matagal niya na itong pinaplano at pinag-iipunan. Too bad, she's not here anymore.

It's a strapless beige evening length gown. Simple lang, walang laces o makintab na bagay. It's just a plain matte beige evening gown. Simple yet elegant.

Pagkapasok ko sa Hall, sumalubong sa akin ang maingay at iba't ibang kulay ng ilaw. Dumako ang tingin ko sa lamesa ng isang grupo.

It's them.

Kita ko ang akmang pagtayo ni Kit at Romeo pero kaagad ako napaiwas nang tingin at tahimik na nagtungo sa buffet table.

Kumuha ako doon ng juice at mabilis na tinungga ito. Loud music started playing. Mukha masaya ang lahat.

How I wish I could enjoy this moment like them.

I stayed there for half an hour, staring and watching how people moved their hips, swaying their body, and syncing with the music.

How I envy them.

Napangisi ako ng maliit nang mayroong sumagi sa aking isipan.

It's my last day...might as well enjoy it.

Naglakad ako patungo sa backstage at kinausap ang SSG President. Humingi ako sa kanya ng maliit na pabor na kanya ring sinang-ayunan.

Lumipas ang ilang saglit, biglang nawalan ng ilaw. It's my cue.

Umakyat ako sa stage. Feeling nervous, I held the microphone and greeted everyone.

"Good evening." As soon as I spoke, the lights went back. Lahat ng atensyon ay napunta sa akin.

Euphony Series 1: Enchanted (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon