Dear Diary,
Tinext ako ni Madam M na need daw ng female extra at magdala lang ng casual wear at tsinelas for take sa Subic. Yeey, raket to. Thank you Lord!
Yours Truly, Justin
----------
**JUSTIN'S POV**
PAALALA: Babae ako. Sabi ko na nga ba at pagkakamalan mo rin akong lalaki dahil sa pangalan ko, di bale sanay na ko. Haha
Waiting Intern nalang ako, ibig sabihin parang graduate na sa acad at into clinical na pero tambay muna ako at mag-aantay pa ng 6months bago mag start kaya, nag extra-extra ako, raket din yun e.
Matagal na kong nage-extra sa halos lahat ng channel sa Pinas, Ch3, Ch6 at Ch8.Madali lang naman e, part ng crowd P500 na, libre na pagkain at juice pahirapan lang sa pwesto kung san pwede mag pahinga. Iba naman kasi kami, parang ang mga extra ang cheap version ng artista so sila naka tent na may aircon kami pag sinuwerte naka tent na provided ng baranggay at kung lalong swerte, malamig kasi di maulan at medyo gabi na ang take.
Nasa Subic ako ngayon, part ng crowd pero this time kumakain kami kasi part kami ng customers dito sa resort na kinukunan nila. Maganda naman "Casa Trinidad" ang pangalan ng resort at medyo maghahapon na yung take sa'min.
Masarap maging crowd sa morning show kasi halos samples ang gagawin sayo, sample ng clothing line pero dahil mataba ako, make up for big ladies ang always role ko kasi maganda daw yung mukha ko sa camera.
Magsi-simula na yung kwento, kalma.
"Hi" sabi nung tumabi sa'kin na lalaki
Tiningnan ko sya saglit "Hello" at bumalik sa binabasa ko.
Busy akong nagbabasa ng Mark of Athena, nasa climax na ko e at ayokong naiistorbo... pero.. ang kulit netong katabi ko..
"Hi" sabi nya ulit. Maputi, makinis ang mukha at may foundation, saka malaki katawan pero di ako interesado makipag-usap sa kanya, ano ba naman kasi yung 'saglit lang nagbabasa pa ko', di ba nya napapansin na ayaw ko makipag usap.
Tumingin ako sa kanya at ngumiti sarcastically. Inis. "Excuse me" sabi ko at tumayo dala yung backpack ko.
Umupo ako sa tabi ng poste malayo sa shooting area at lugar ng mga extra pero kita ko pa naman sila mula roon.
"Eto na.." me in excitement, peace of mind, yung bonfire nalang na kinukunan ng buong staff yung matingkad sa paningin mo, tapos yung tunog ng alon na mas malakas kesa sa microphone ni Direk at yung flashlight para mabasa ko yung libro.. heaven..
"Hi"
Napatigil ako, sino ba sya, anong trip nya, naiinis na ko, pero timpi lang, makisama ka, kelangan mo ng pera.
Sinara ko yung book.
"Do you have some time?" Tanong nya.
"Hmmm."
"I'm Alex" pakilala nya.
"Nice meeting you, Alex" sabi ko
"Hoy! Anong ginagawa mo dyan? Donya lang ang peg mo?! Dito ka, baka maiwan ka ng service" sigaw ni Madam M, ang aming manager
"sige po" sagot ko.
Niligpit ko yung gamit ko at sabay kaming bumalik sa tent. Bumalik ako sa upuan ko at nagbasa ulit. Alam mo yung feeling na ikaw at yung character sa book ay nagiging isa at lahat ng kalaban at nakikita nya ay nakikita mo rin..-
"Hi..., who's your godly parent?" Tanong nya
Oh. "Why would I tell you?, you might be a monster hiding behind a mist" sagot ko in a strong tone, na-excite ako, fan din ata sya.
"Interesting" he said at ngumiti. "You don't have to worry, I'm here for a mission given by the oracle"
I smiled, "I'm Justin, Cabin three"
"Alex, Cabin seven"
"Apollo." Sabi ko bigla.
"Yes, and I got his hotness"
"Hahahaha" we both laugh, nakakatawa na pareho kaming nakakarelate
"Fan ka rin pala ng PJO"
"Not really, just after I saw the movie"
"Sang book ka na?" tanong ko, then sinara ko yung book na habang naka-bookmark yung fingers ko.
"Son of Neptune" sagot nya
"Nice, you can borrow mine after you read that" offer ko.
"I actually don't have time reading because of busy schedule"
"Aren't you curious of what might happen?"
"Of course I am, just busy"
"I-spoil kitang konti" I tease him, just returnin the favor of those who did the same stuff on me
"No, don't" ngumiti nyang sabi, Masaya na usapan namin e, nagkukulitan na kami..
"Sina Percy at Annabeth ay maglalakbay at mapupunta sila sa –"
He covered my mouth with his hand. Nagkatinginan kami, nakangiti sya habang nakatakip yung kamay nya sa bibig ko at nakangiti rin ako pero sa sobrang higpit ng pagtakip nya, ramdam ko yung ipin kong dumidikit sa palad nya at di na rin ako makahinga.
Inalis ko yung kamay nya at huminga ng malalim.
"Walangya ka!" pabiro kong sabi
"I'm sorry" sabi nya with whole sincerity, nagulat siguro sya sa walanghiyang sabi ko, anak siguro ng mayaman to.
"Menudo yung kinain mo kanina no?" natanong ko
"Bakit?"
"Amoy menudo yung kamay mo e"
And we burst out laughing.
"Sir Alex, ikaw na yung susunod na kukunan" sabi ni Madam M
"O sige, sunod nalang ako"
Natulala ako, all this time akala ko extra rin sya, Sir? Whatda.
"Artista ka?" tanong ko.
"Parang ganon kasi friend ako ng bida"
"Ba't di mo sinabe? Minura pa kita"
"No its fine, actually kala ko nga alam mo e, siguro, di pa nga ko ganon kasikat. I'll work harder"
"Di naman sa ganun" tumayo na sya and he put his palm sa forehead ko putting a little pressure indirectly saying na wag na tumayo sa kinauupuan ko
"Don't worry, it doesn't matter, peram cellphone mo"
"Bakit?"
"Basta" and I handed him my Samsung keypad phone, may di-nial sya then tumunog yung cellphone nya sa bulsa ng shorts nya.
"I'll call you sometime. Goodbye, Justin"
That's the first and last meeting we had, tumigil muna ako sa pag-attend as extra, medyo ilang buwan na lang kasi for the internship at siguro kasya na rin yung ipon ko. Pinanuod ko yung episode na nag-extra ako and nakakatuwa pa rin na makita yung likod ko kahit papano sa TV, nakakaproud.
BINABASA MO ANG
Sometimes. beer and chicken is the answer
AdventureStarted as strangers, worked in different professions, stood on a different ground but met in one condition. Problem, beer and relationship. Will this friendship be as friendship 'til the end?