Paglabas ko pawis na pawis ako, si Justin naman nakaligpit na ng higaan.
"May breakfast buffet dito di ba?"
"Oo"
"Dun nalang tayo kumain"
"Sige."
"Pwede na ba kong umihi? Binuhusan mo bang mabuti yung mga lahi mo dito? Haha"
"Oo, nakakahiya naman sa'yo e, magbibihis lang ako"
Pagtapos nya umihi naligo na rin sya at nagbihis ng dala nyang jeans at t-shirt.
"Pagtapos nating kumain, hanap na rin tayo ng place ko"
"Ayaw mo ba mag stay dito?"
"Ayoko, di ako nakakapag-aral e, saka baka mag-inuman lang tayo gabi-gabi"
Pagbaba namin sa lobby binigyan na nila kami ng card parang admission then dun kami umupo sa table for two. Nauna syang kumuha ng meal, pagbalik nya punong puno ng iba't ibang klaseng pastry yung plate nya tapos yung isang plate puno ng salad.
"Kaya mo ubusin yan?"
"Oo, ako pa. Kumuha ka na dun. Saka dagdagan mo ng macaroons yung iyo a, thank you!"
------------
Pagtapos namin kumain, kinuha na namin yung gamit nya sa unit ko, then umalis na kami para maghanap ng pwedeng rentahan na place na malapit sa ospital nila.
May nakita kami, malapit sa hospital at medyo malayo sa place ko, ok na rin for a month ownership, may kitchen, bathroom saka may kaunting gamit na sa loob.
Then bumalik kami sa dati nyang dorm at kinuha ang ibang gamit nya, yung mga di na kelangan inuwi muna namin sa bahay nila na..first time kong mapupuntahan yung lugar nila.
BINABASA MO ANG
Sometimes. beer and chicken is the answer
AdventureStarted as strangers, worked in different professions, stood on a different ground but met in one condition. Problem, beer and relationship. Will this friendship be as friendship 'til the end?