Sayang ang Dati

1.4K 4 0
                                    

Sayang ang dati
Bakit kailangang magbago?
Basta na lang sinabi
Iiwan mo na ako.

Wala man lang warning
Basta ayaw mo na
Bakit naging ending
Ako na lang mag-isa?

Hindi naman niloko
Alam mong tapat s'yo
Alam mong walang iba
Ikaw ay nag-iisa.

Iniwan mo pa rin
Ayaw mo na akong mahalin
Ang hirap tanggapin
Tapos na'ng lahat sa atin.

Gan'un na lang ba 'yon?
Basta na lang itatapon?
Masaya nating panahon
Nakatala na lang sa kahapon.

Kaydali mong sabihin
Kalimutan na'ng lahat
Para kang kumain ng kendi
Ako 'yung...balat?

Kwentula for the Brokenhearted (Tagalog Poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon