CHAPTER THREE

294 8 1
                                    

Isang umaga ay napag isipan ko ang gagawing pagbibihis sa sarili ko. Tama nga kaya ang gagawin ko tama rin kayang sundi ko ang payo ni Amber?

Pinagmasdan ko ng maigi ang aking sarili sa salamin. Umpisa sa mukha. Very pale. "Ang tanda mo nang tignan!" Sumbat ko sa sariling repleksyon.

Unti-unti ko nilagyan ng pulbos ang pisngi, at ang buong palibot ng mukha ko. Naglagay ng manipis na kolorete sa mga mata, labi at pisngi. At ayos naman ang kinalabasan. Naging lively at sophisticated ang aking aura. Gusto ko na tuloy maniwala na gumaganda nga ako nang konti sa ayos. Minus the eyeglasses, of course.

Inikot ko ang sarili ko upang tignan ang damit na suot ko ngayon. Nakapalda siya ng sakto lang ang igsi, At labas ang onting binti ko. But then, hindi na matatawag na conservative dahil sa uso na sumasabay. Kasama ko si Amber nang binili ko na palda kulay light brown ang kulay. That was two months ago, after her twenty-fourth birthday. Pero ngayon lang ako makakapag suot nito. Testing lang ko lang.

Okay naman ang fitting ng damit sakin. Hindi sa mayabang mukhang bagay naman sakin. Sa tingin ko lang.

Ang aking mahabang buhok ay pinabayaan ko mag-flow. Tutal, soft at shiny naman yung buhok ko. Parang nahihiya yata akong lumabas nang ganito. To think na nakalabas na ang bwisit kong kapatid na si Simon.

Pag labas ko ng kwarto nakita ko na ang kapatid ko na nagbabasa ng diyaryo ang lalaki. Sumulyap lang ang kapatid ko nang mapansing dadaan siya sa harap ko. At ang sulyap na naulit ulit nang matagal. Parang nagtataka itong pinagmasdan ako.

"Ano'ng tinitingin-tingin mo jan?" tanong niya rito tatlong taon ang tanda sa kanya ni simon

"Ikaw ba yan?" Biro ng kuya niya

"Bakit malamang ako to" Inis na sabi ko sakanya

"Mukhang ngayon ka pa lang nagdadalaga, ah!" asar sakanya "yong antik mong salamin, Hindi mo ba isusuot?"

"Huwag mo nga akong asarin, Chipmunks!" asar ko rin sakanya iyo ang tawag ko kay Simon pang ganti sa pang aasar sakin

"Siguro... may boyfriend ka na, no ? Ang ganda ng bihis mo ngayon, e?"

"Bakit, masama??

"Naks, may nagkamali rin pala, ha?"

Parang batamg nagdabog ako palapit sakanya at pinaghahampas ko ng dalang bag. "Nakakainis ka na! ba't ba palaging ako ang nakikita mo?"

"O, bakit? Me nakikita ka pa bang ibang tao rito maliban sa'yo? hahaha"

"Ay, naku, bumili ka ng kausap mp!" pairap ko tinalikuran ang kuya ko "Ma! Alis na ako, Ma!"

"May boyfriend yung bunso mo, Ma!" sigaw ni Simon, tuloy sa pang aasar "May date yan!"

The TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon