CHAPTER NINE (Complete)

298 8 1
                                    

Nasa mansion si Reeno. Ngumiti lang sakin ito nang magtama ang aming paningin.

Sa buong oras na nadito ako sa mansion ni hindi man lang ito nag-attempt na ako kausapin kagaya ng madalas nitong gawin noon.

Gusto kong umiyak. Kasi ito na ang huling araw ng kanyang pagtuturo kay Chezca. Kapag minamasdan ko ang inosenteng mukhang nang bata, parang dinudurog ang kanyang puso. Nahahabag ako sa batang ito. Ano ba ang dapat kong gawin? Habang nandito ako sa bahay na ito, lagi ring sisigid sa kanyang isip at puso ang kabiguan. Samantalang kung aalis ako, matatangap ko ang kabiguan at makalilimot ako.

Kung si Reeno man ay isang pangarap,  hindi ko na ito kailangan abutin o kaya tanawin. After all, may mga pangarap na nababaon sa limot.

             Makaraan ang dalawang oras bago ko sabihin ang "Dismissed". Tumunog nanaman ang 'king and queen of hearts'

Hah! Mahal na mahal ni Reeno ang kantang iyon, Kagaya nang pagmamahal nito kay Catherine. May theme song pa ang mga ito, huh! Nganinganing pasukin ko ang lalaki mula sa sala at ihambalos sa mukha nito ang tape, kung alam lang nang lalaki iyon kung gaano ako nasasaktan.

Pagkatapos ng tugtog, pinatugtog ulit. nakakatatlong ulit na yata iyong pinatugtog ni Reeno. Masyado bang memorable ang kantang iyon at hindi nito makuhang pagsawaan ngayon ako rinding-rindi na!

Naunang pumasok si Chezca, at na labis kong pinagtakha. kanina ko pa napapansin ang excitement na iyon  sa mga mata ng bata.

 "Binilhan ko na siya ng personal computer " Salita sa likuran ko.

          Kaagad ay bumangon ang kakaibang kaba sa dibdib ko. Amoy ko ang mabangong men's cologne buhat sa aking likuran.

"Kaya pala mukhang masaya siya" Pilit kong nilagyan ng gana ang aking salita.

"Still mad at me?" Ang tanong na yon ay direktang patukoy sakin.

"For what?" Sagot ko nang hindi tumitingin sa kausap.

"Dahil sa nangyari noong huli tayong mag-usap. Alam ko, na-shock kita. Hindi ka nga pala sanay sa mga ganoon kadirektang salita."

Tumungo lang ako. "It's all right." At inabot ko kay Simon ang isang puting sobre. Legal-sized iyon kaya hatid nitong pormal ang nakalagay sa loob na iyon.

"What's this?"

Hindi pa rin ako tumitingin nang direkta sa mga mata nito. "Hindi ko kayang tanggapin ang responsibilidad na gusto niyong na pinagawa sakin kahit na sa ano pa mang halaga. Hindi ako naghahangad ng malaking suweldo. Nagre-resign ako bilang teacher ni Chezca."

"What!?" Nawala ang ngiti sa mukha ni Reeno.

"I'm sure na makakahanap pa kayo ng mas higit sa akin. Pakiabot na lang iyan kay Mrs.Willer." Pagkasabi niya ay umakmang tatalikod na ako.

The TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon