CHAPTER FOUR

261 8 0
                                    

Nakahiga ako sa kama. Wala akong balak bumangon ang sama parin nang loob ko sa nang yari kanina.

Blag!

Nagulat ako sa pumasok sa kwarto ko na sumulpot si Amber, ang babaing walang katok katok pag papasok sa kwarto ko. Nakalimutan ko mag-lock. Kaya wala akong choice kundi tignan ang makulit kong kaibigan.

"Ano ba yong sinasabi ni Tita Trudis?" na nag tataka at humiga at tumabi sakin

"Anong sinabi sayo?" Nilagyan ko lang nang gana yung pag ka sabi ko kahit, wala talaga akong balak makipag usap ngayon

"Na hindi raw tayo tuloy sa lakad natin? Ano ba yon? Confused ako ron ah?"

"Yon ba? E..." sabi ko na tinatamad kong sabi "Nasabi ko kasing may pupuntahan tayong party mamaya"

"Bakit mo naman sinabi yon kay Tita?"

"Para wala nang maraming tanong"

"E, bakit nga?"

Kung may contest lang papasalihin koto si Amber sa pakulitan, first prize na agad tong babae nato. Kung sa bagay best friend ko naman tong babae na to, bakit hindi ko sabihin sakanya ang nang yari kanina

"Ano naman ang sinagot mo kay mama?" Worried din ako baka mabuking ang ginawa kong pagsisinungaling.

"Ano pa ba?, edi pareho tayong tinatamad"

"Anong sabi ni Mama? Na-convince mo ba siya?"

"Wala lang! Nag-shake lang naman si tita nang kanyang head" Humarap si Amber sakin. Parang binabasa ang isip ko

"Ano bang drama mo at naisipan mong mag sinungaling?"

Ikinuwento niya ang mga pangyayari. Walang nilaktawan miski isa, at pati yung tinamaan ako nang bola sa batok.

"E, timang ka naman pala!" Sigaw ni Amber sakin "Nasa first base ka na sana, umurong ka pa! Bokya ka tuloy!"

"Anong magagawa ko? E, sa nahihiya ako sa ganong ayos kesa sa ganito nalang ako."

"Ano bang dapat mong ikahiya? Ilagay mo lang diyan sa isip mong maganda ka, period!"

"Akala ko rin ganung ka simple. Kaya lang talagang  nahihiya ako kapag nakikita ko na ang lalaking yon"

The TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon