Chapter Two

11 2 0
                                    

Children

Hays. Grabeng stress ang narranasan ko ngayon, ate kooo!

Shit. Akala ko madadala ko ang pag c-cramming ko sa College, hindi pala.

Ang daming case pa ang kailangan kong i-review, at lahat ng ni lecture ng professor namin nag halo-halo na sa utak ko!

I have so many on my plate, and I've been so busy these past few days.
Grabe, sobrang bilis ng araw. Isang linggo na ang nakakalipas simula 'nung ihatid niya ako sa bahay.

Paano kasi natambakan ako ng gawain kaya ngayon, sobrang busy ko dahil doon.

Nakikinig kami ngayon sa nag L-lecture na si prof. Nicholle Maxine Camara. Isa sa pinakamagaling at pinakamagandang Professor dito sa Campus. Dalaga pa siya at mukhang walang boyfriend, siguro career firsts siya.

Tahimik lang kaming nakikinig sa Lecture niya ngayon. Katabi ko silang tatlo now.
Sa Kaliwa si Lance, at sa kanan ko naman ay si Lily, sa gilid niya ay si Gray.

Nakasimangot lang buong Discussion si Lance, Nag away kasi sila ni Lily kung sino ang tatabi kay Gray. Samantalang ngiting-ngiti si Lily dito sa tabi ko, pa'no siya kasi ang piniling makatabi ni gray, halatang gusto niyang asarin si Lance.

Alam naming tatlo na higit pa sa kaibigan ang turing ni Lance kay lily,  ewan ko lang dito kay lily, ang manhid! Hindi niya ba nararamdaman na may gusto sa kaniya si Lance? Sa bagay para Kasi silang aso at puso kung magbangayan at magaway, siguro daily routine na nila 'yon. Walang araw na hindi sila nagsasagutan kaya minsan para kaming tanga ni Gray na nagsasaway sa dalawang batang nagaaway sa daan. Kung hindi ko lang sila kaibigan iisipin kong mag jowa sila na nagsasagutan.

Mag tatanghali na ngayon ang hinihintay ko na lang talaga ay ang Magic Word ni Prof na 'Class Dismissed'
Kanina pa ako nababagot dito. Nagsasawa na ako sa pagmumukha ng katabi ko.

"Rie, nagugutom na ako..." Bulong ni Lily sa tenga ko. 'Wag kang mag alala day hindi ka nag iisa.

"Kakakain mo lang kanina, patay gutom ka talaga, eh." Pasimpleng bulong naman ng katabi kong si Lance. Wow ha! Ang lakas naman ng pandinig niya. Rinig niya agad ang boses ni Lily.

Agad na sumimangot ang isa at muntikan nang sumagot pabalik, agad ko siyang kinurot sa tagiliran para pigilan. Ayan nanaman sila nagsisimula nanaman ng ingay. Alam nang nasa klase kami wala sa palengke. Baka mapalabas pa kaming tatlo nito!

"Sige, mamaya pag tapos ng class natin kay Prof kakain tayo, pero pwede bang itikom nyo muna 'yang  bibig nyong dalawa, kahit ngayon lang, o baka gusto niyong sa labas ituloy 'yang sagutan nyo." Pabulong kong saway sa kanila dahil baka malintikan kami ni Prof. At mapalabas sila.

"Ito kasing si Lance, eh, sabat ng sabat hindi naman siya 'yung kinakausap." Depensa ni Lily.

"Luh, totoo naman, eh. Kakakain mo lang kanina nina lang tapos gutom ka nanaman. Bakit? May drakula ba dyan sa tiyan mo?" Inis sa bulaslas ni Lance sa mahinang tono. Alam ko na ang kahihinatnan nito kaya agad ko silang kinurot dalawa, kakasaway ko lang, eh. Ang tigas-tigas talaga ng ulo nilang dalawa. Gusto talagang mapalabas ng wala sa oras.

"Pwede bang tumahimik muna kayo kahit ngayon lang, please baka mamaya marinig kayo ni prof at patalsikin tayo sa klase niya! Mamaya na kayo mag bangayan!" Naiinis ngunit mahina na bulong ko sa kanilang dalawa, malapit na akong mapuno dito sa dalawang 'to!
Hina-High Blood nila ako!

Sumilip ako sa aking relo at napangiti, time na. Eto na ang aking matagal na hinihintay!

Agad na naglakad si Ms. Camara sa harap ng desk at inayos ang gamit niya, humarap siya at nagsalita "okay, class dismissed." Parang mga bulateng nilagyan ng asin ang mga kaklase ko at sabay sabay na nagsitayo. Ang ingay agad ng mga mokong na'to. Tumayo na sila at masamang nagtinginan dalawa. Hinayaan ko na lang silang dalawa dahil stress na nga ako, dadagdag pa'tong mga siraulong 'to!

Veins of Darkness [THE GREAYSON'S VENGEANCE SERIES #1]Where stories live. Discover now