Sober
Narinig ko ang alarm 'kong tumunog kaya dali-dali ko itong inabot at pinatay.
Damn! Ang sakit ng ulo kooo!
Dahan- dahan akong bumangon, hawak hawak pa rin ang ulo ko. Ang sakit talaga. Grabe 'yung kirot.
"Aghhhh, hindi na talaga ako iinom ulit!" Nagdadaing na sigaw ko. Tinignan ko naman ang orasan. Alas nuebe na pala.
Tuluyan na akong bumangon at tumayo.
"Rise and shineeeeee! Ang sakit ng ulo kooooo!" Sigaw ko. Sound proof naman to, hehe.
Pumunta muna akong Cr at nag tooth brush, nagtanggal muna ako ng muta bago nag hilamos. Mabilisang hilamos lang ang ginawa ko at nagpalit ng damit. Kagabi pa 'tong suot ko, hindi pala ako nakapag palit sa sobrang lasing.
Nagsuot lang ako ng White t-shirt at short. Tinali ko na rin ang buhok ko para naman makahinga 'yung ulo ko ng maayos! Naglagay lang ako ng Sunscreen at Lip balm.
Umunat unat muna ako bago lumabas ng kwarto. Kamusta na kaya ang mga kaibigan ko. Nakalimutan ko agad sila! Teka lang... Sinong nga pala ang naghatid sa akin kagabi?
Wala naman akong masyadong matandaan kasi nga lasing ako. Pumikit ako at inalala ang mga nangyari kagabi. Pero lalo lang sumakit ang ulo ko kaya idinilat ko nalang ang mga mata ko at huminga ng malalim. Kakain muna ako, nakakagutom na, eh.
Paglabas ko naalala ko si ate. Madadaanan kasi ang kwarto niya bago ka makababa ng hagdan, e. Kaya napagpasiyahan 'kong silipin muna 'kung gising naba siya.
Dahan dahan 'kong pinihit ang Door knob at binuksan ito ng kaunti. Siniliop ko ang loob at nakita 'kong wala na si ate do'n.
Bigla naman ako napasimangot. Ang aga naman niyang umalis!
Nag almusal na kaya 'yon?
Malungkot akong bumaba ng hagdan at hinanap sila manang Lucy.
"Manang Lucy..." Sigaw ko, hindi naman masyadong malakas, sapat na para marinig nila.
"Oh, gising na po pala kayo, Ma'am Amarie! Kamusta na po ang pakiramdam niyo?" Nag aalalang tanong ni Ate Jov.
"Masakit po medjo 'yung ulo ko Ate Jov... At tsaka nagugutom na po ako."
"Ahh, gan'on ba. Kumain ka muna at pagkatapos mo uminom ka ng gamot. Si Manang Lucy nasa hardin nag didilig ng halaman." Aniya.
"Ahh, sige po Ate Jov, Thank you po! Rise and shine po, Ate Jov, hehe." Na late 'yung bati ko ng magandang umaga.
"Good morning din po, Ma'am Amarie." Nakangiting bati sa akin ni Ate Jov. Nginitian ko na lang din siya at naglakad na papuntang kusina. Ano kayang ulam?
Binuksan ko ang nakatakip na pagkain. Friend rice. Binuksan ko naman ang isang malaking plato. Hams, hotdogs, eggs, and Bacon.
YEHEY! MAY PEYBORIT! ALMUSAL OF ALL THE TIME!
Agad akong kumuha ng plato, kutsara, at tinidor. Nagsandok ng friend rice at kumuha ng tig-iisang piraso ng ulam. Yum. Para akong hindi pinakain ng sampung taon dahil naibos ko ito kaagad. Pg ang peg. Dumighay pa nga. Thank you lord.
At kinuha ang box ng gamot. Biogesic lang naman ang katapat nito!
Hinugasan ko muna ang pinag kainan ko bago umakyat sa taas. Pagka akyat ko hinanap ko agad ang bag at cellphone ko. Pero hindi ko mahanap ito kaya hinaluglog ko ang buong kwarto ko pero... Wala talaga, eh!
Nasaan naman kaya napunta 'yon?
Sino ba Kasi ang naghatid sa'kin kagabi pauwi? Tatawagan ko sana sila Lily at tatanungin Kaso wala nga pala akong cellphone! Shit! Nakakabwisit naman, ohh!
YOU ARE READING
Veins of Darkness [THE GREAYSON'S VENGEANCE SERIES #1]
RandomStory Description Sunshine Amarie Viallez, a college student that have a huge crush on, Damon Greayson Knight, the hot leader of GDO(Greayson's Dark Organization). She accidentally met this guy in Merendes restaurant. They bumped into eachother, an...