Chapter Three

10 2 0
                                    

Bar

Damon?

As in, Damon 'Greayson' Knight?

Si Damon nga!

Wait, andito nga siyaaaaaa!

MY GOD.

ANO KAYANG GINAGAWA NIYA DITO?

Malaking ngiti ang ipinakita niya sa mga bata dahilan para mapangiti rin ako.

"HOY TEH!" Sigaw ni Lily sa tenga ko.

"Ano ba! Bakit sa tenga ko pa ikaw sumisigaw?"

"Anong ano ba! kanina pa kita tinatawag para kang binge! At tsaka bakit nakangiti ka riyan, ha? Para kang tanga kanina ka pa nakatulala di'yan!" Inis na bulaslas ni Lily, at tinapunan ng tingin ang direksiyon na tinitignan ko.

"Ahhh, kasi may Gwapo. Kaya naman pala, eh." Pang aasar niya.

"Siya 'yon..." Ani ko.

"Sinong siya?" Tanong niya.

"Siya nga 'yon, Lily!" Pag uulit ko.

"Tanggaris, sinong siya? Ano,  manghuhula ako, kung sinong nilalang 'yan?" Nawawalang pasensyang sabi niya.

"'yung kine kwento ko sayo, 'yung Damon! 'yung gwapong nakabangga ko sa Merendes Resto."

"Ah, talaga? We? Tangina! Ang gwapo!" Manghang sabi ni Lily.

"Ayun ba 'yung naka pollo na lalaki?"

"Oo nga! Wala namang ibang gwapo diyan, eh. Siya lang!"

"Wow, ha! Kung sine swerte ka nga naman, Sunshine Amarie, ang gwapo ngaaaaaaa!" Tili niya na agad ko namang sinaway baka kasi palayasin kami dito, edi hindi ako nakasukyap sa baby ko!

"Huy, akin 'yan! Akin 'yan ha! Agawin mo na ang lahat 'wag lang yan, dahil akin 'yan, baby ko 'yan, Lily. Sinasabi ko sayo!" Pagbabanta ko. Ang eme mo talaga, Amarie.

"Oh, sige na! Sayong sayo na! Isaksak mo sa baga mo." Natatawang sabi niya.

Napadako ang mga berdeng mata niya
Sa direksiyon namin. Bahagya siyang nagulat at nanlaki ang mga matang nakatingin sa akin, ngunit matamis lang siyang ngumiti at naglakad papunta sa direksiyon namin. Hala! Sa direksiyon namin!

"Amarie, papalapit siya sa direksiyon natin!" Kalabit sa akin ni Lily. Gosh.

"Lily, okay ba ang itsura ko? Maganda pa ba ako? May dumi ba ako sa mukha? Hindi ba ako mukhang tanga?" Sunod sunod na tanong ko kay Lily.

"Be, ang OA mo, ayos lang naman ang itsura mo, pero... Mukha kang tanga." Aniya na agad kong ikina alarma. Shit. Baka mukha akong losyang.

Agad kong kinuha ang cell phone ko at tumalikod para tignan ang itsura ko. Maayos naman. kinagat ko ang pang ibaba kong labi para pumula, at humarap na sa kaniya.

Agad nag tama ang mga mata namin. Grabe, ilang araw ko ring hindi natitigan 'yang mga matang 'yan.

"Sunshine?" Tawag niya sa'kin. Shit. Tumayo ang mga balahibo ko. Iba talaga pag siya ang tumawag ng pangalan ko. First name ko pa, ahh!

"Damon..." Nakangiting saad ko.

"What are you doing here?" He asked.

"Uhm, binisita ko 'yung mga bata. Na miss ko kasi sila, e." (Pati ikaw) Salamat naman at hindi ako nautal nang banggitin ko 'yon, kahit na kinakabahan ako at kumakalabog ang puso ko dahil nasa harapan ko siya.

Tumakbo ang mga bata papunta sa amin sumunod naman sa kanila sila sister. Bigla namang Nagsalita si ashley.

"Kuya Damon, siya po si ate Amarie, madalas niya rin po kaming bisitahin dito, mabait po siya at higit sa lahat maganda po kagaya ko." Nakangiting pag mamalaki niya kay Damon.

Veins of Darkness [THE GREAYSON'S VENGEANCE SERIES #1]Where stories live. Discover now