CHAPTER 3

0 0 0
                                    

"Five minutes left... May prize yung mauunang makapag-pass kay teacher." I announced to the kids as I roam around the classroom, watching them work on their drawings.

Magtatime na kasi. Five minutes nalang ay oras na ng dismissal nila. Uwian na naman. Monday fast approached and it's about to end again. Pakiramdam ko talaga mas mabilis ang oras kapag may ginagawa kaysa kapag wala.

"Teacher,"

Napalingon ako sa kumalabit sa akin at nakita ko ang lalaki kon estudyante. He handed me his bond paper with his drawing so I smiled.

"Nice! Wait mo si teacher mamaya, ha? Ibibigay ko sa'yo yung prize pagkatapos, bago kayo umuwi." sabi ko sa kaniya na tinanguan niya nalang din tsaka siya bumalik sa kinauupuan niya.

Bumaling din naman ako ulit sa iba pang mga bata na patapos na rin naman sa ginagawa nila.

"Here, color this green. Matatapos ka na," sambit ko sa isang bata habang itinuturo yung iginuhit niyang sunflower. 'Yong stem nalang ang kukulayan niya tapos ay tapos na rin siya.

"Teacher Cel,"

A soft voice suddenly called for me making me turn around again before seeing Aya's face. She handed me her work so I smiled at her too. She's the second one to pass the activity. Pakabigay sa akin ay bumalik na rin siya sa upuan niya.

Ako naman ay naglakad na pabalik sa unahan. At maya-maya rin ay halos sunod-sunod nang nagsipasahan ang mga bata ng mga gawa nila.

"Good job, mga excited na umuwi ah." ngumingiti kong sambit sa kanila.

Inayos ko muna ang mga papel at inilapag iyon sa table. I looked outside and saw kids from the other room already going home with their parents. Nasa labas na rin naman yung ibang magulang nitong mga anak ko.

"Okay, pray muna bago umuwi. Sino want mag-lead?" I asked the class.

Then Aya immediately raised her hand kaya napangiti nalang ako bago siya tinawag at iginaya sa unahan.

"Dear God, thank you for blessing us this day. We thank you for all the new things we learned and for giving us teacher Cel to teach us. Please guide her, me, and my classmates as we go home today. Amen."

I smiled as I felt my heart warmed after being included in the kid's prayer. It means a lot already.

"Okay, your parents are waiting for y'll outside. But if they are not here yet, stay muna po rito sa loob. Bye, kids! See you tomorrow." I told everybody in the class.

"Goodbye, teacher!" sabay-sabay din nilang sambit.

Tumango ako at tsaka sila nagsisialisan na. Samantalang agad ko rin namang tinawag yung estudyante ko kaninang naunang matapos, si Jun, para sa prize niya.

"Yung prize mo, baka makalimutan," saad ko. Naglakad naman agad siya papalapit sa akin samantalang ako ay may kinuha naman sa bag. "Here, chocolate yung prize mo." I just gave him a chocolate for a reward, and also para ma-motivate pa siya na sipagan sa mga susunod na activities na gagawin.

"Thank you, teacher." he said, smiling.

"You're welcome." I said.

Nagpaalam na rin kaagad siya sa akin dahil nasa labas na raw ang mommy niya.

"Teacher Cel, bye!" I immediately looked at Aya who's also on the door, already wearing her backpack and ready to go. I was about to ask her kung may sundo na ba siya pero agad ko nang napansin ang pamilyar na lalaki na nakatayo rin sa may pintuan, sinusundo na ang anak.

Crawling Back To YouWhere stories live. Discover now