CHAPTER 8

1 1 0
                                    

Aya's Dad
10:32 PM

Message me if you're home.

Ako sana mag-uuwi sa'yo but your co-teacher insisted na siya nalang.

If you need anything, if you get a hangover and you need help, don't hesitate to message me.

10:56 PM

Hey, are you home na?

Nevermind. I know you're tired and sleepy and you still have to be early tomorrow. Goodnight, Cel.

Mga message ni Darwin ang bumungad sa akin pagbukas ko ng phone ko. I didn't knew he texted me. Kagabi kasi nang mauwi na ako ni Troy ay hindi na ako nag-abala pang mag-check ng cellphone ko. At hindi na rin pumasok pa sa isip ko na magmemessage siya kasi bakit pa, diba?

Pinagkatitigan ko nang matagal ang mga message ni Darwin bago ko napagpasyahang magreply.

Aya's Dad
04:33 AM

Sorry, di ko na na-check phone ko kagabi.

That's all that I said and immediately sent it.

Binitawan ko na ulit ang phone ko dahil naka-charge iyon. Pero bigla pang may nag-flash na message at nakita kong mula kay Darwin iyon.

Napaangat ang isang kilay ko dahil sa bilis ng reply niya. Iisipin ko na sanang inaabangan niya talaga ang reply ko pero sino bang niloloko ko rito, sino pa ba ako sa buhay niya?

It's okay.

Good morning, btw.

How are you? Masakit pa ba ulo mo?

Ang sabi ng utak ko ay 'wag akong magrereply kaagad dahil may gagawin pa ako. Pero traydor ang mga daliri ko at agad din itong nagtipa ng sagot.

I'm okay now

Iyon lang din ang nireply ko. At wala pang ilang segundo, may reply na rin ulit siya.

Mabuti naman.

I just looked at his message and ignored it. Hindi na ako nagreply pa.

Ginawa ko nalang ang dapat kong gawin. Nag-prepare na ako dahil papasok pa ako sa trabaho. Ewan ko lang sa mga kasama ko kagabi kung makakapasok sila, lalo na si ma'am Kaye.

"Cel, I'm thinking, what if I go there?"

Nakatingin ako sa record book ko pero napatingin agad sa screen ng cellphone ko nang marinig ang sinabi ni Hiroshi. Magkausap kasi kami ngayon through videocall just like always.

"What do you mean?" I asked him.

"I'm thinking of a place to go for my birthday. What if I'll just go to you? Isn't that a good idea?" He said. As I stared at him, parang tuwang-tuwa siya at excited sa naisip.

"Yes, of course." I uttered. "So you'll be here by December?" I asked him again.

He nodded immediately while smiling.

Hindi ko na rin maiwasang mapangiti. It really sounds a good idea. I guess I have to think of a plan now on what we're gonna do during his stay here. Kung siya ang umasikaso noon sakin sa Japan, then ako naman ang bahala sa kaniya sa pagpunta niya rito.

Sa susunod na buwan na ang birthday niya. And by that time, dalawang buwan na rin ako sa pagtuturo rito. And on January or early February, babalik na rin yung adviser ng hawak ko ngayong klase, yung teacher nila Aya. But I'll still be here at the school after that.

Crawling Back To YouWhere stories live. Discover now