"Hiroshi! I missed you!" nagagalak kong sambit habang magkayakap pa rin kami sa isa't isa.
Hiroshi chuckled and caressed my back gently. At ilang sandali lang din ay tsaka lang kami humawalay sa pagkakayakap sa isa't isa.
"Na-miss din kita!" aniya.
My smile went bigger. "Your filipino is getting good ah!" natutuwa kong saad.
He only smiled. "You taught me so well." he said.
Natahimik ako sandali. Unti-unti kong sini-sink-in na siya itong nasa harap ko. Na nandito siya ngayon sa Pilipinas.
Nginitian ko nalang ulit siya at pagkatapos ay tinulungan ko na siya sa bagahe niya. Nag-taxi na kami. Sabi ko ay doon kami sa bahay pupunta, tsaka ko na siya dadalhin sa apartment ko, baka bukas o mamaya. Pero sa ngayon, doon muna sa bahay dahil alam kong matutuwa rin iyon si mama na makitang nandito siya.
Nasa taxi palang, hindi na kami natahimik ni Hiroshi dahil medyo marami ang baon niyang kwento. Ikinwento niya sa akin ang mga naging ganap niya the past months matapos kong umuwi na rito sa Pilipinas. I'm just all in ears as I listen to his stories.
"But I thought you'll be going here like, few days before your birthday." I said suddenly.
"No," he said and shook his head. "I really meant to go here at this date. I want to surprise you." he said while smiling.
Ngumiti nalang ako. I am indeed surprised.
Hanggang sa makarating na kami sa bahay. Ako na ang nagbayad ng taxi. Tumingin ako sa loob at napahinga ako nang maluwag nang makita ang sasakyan namin na nakagarahe kaya alam kong nandito sila mama.
"So, this is our house, my parents house to be exact." I told Hiroshi. Mangha pero nakangiti naman niyang tinignan ang kabuuan ng bahay habang tumatango-tango. "Chū ni ikou." I told him and motioned him to follow me.
(Let's go inside.)Pumasok na kami sa loob. Pagpasok sa sala ay naabutan naming walang tao roon. Pero nang marinig namin ang mga boses ng mga magulang ko ay nagkatinginan nalang kami habang nakangiti.
I let him placed his bog on the sofa before getting his hand and pulling him with me as we go to the kitchen.
"Ma, Pa!" tawag ko sa kanila.
"Oh," rinig kong saad ni Papa.
"May bisita po tayo!" sabi ko, saktong pagpasok namin sa kusina.
Parehong napatingin sa akin si mama at papa, pero agad ding nabaling ang tingin nila sa lalaking kasama ko.
"Hiroshi," gulat na saad ni mama.
May hawak siyang sandok dahil nagluluto pala siya pero mabilis niya 'yong pinahawak kay papa bago agad na lumapit sa amin.
"Kumusta po?" nakangiting bati ni Hiroshi na may accent ng pagka-hapon niya. At nang tuluyan nang makalapit si mama ay agad niyang kinuha ang kamay nito tsaka nagmano.
I looked at him proudly. Hindi niya pala nakalimutan iyon. Matagal ko na ring itinuro iyon sa kaniya, bago ko pa unang dalhin sa Japan yung pamilya ko.
"I'm okay," sabi ni mama, hindi pa rin makapaniwala na nasa harap niya ngayon ang kaibigan ko galing Japan. "Wow, you're here!" saad nito, bakas ang tuwa at pagkamangha. "Icelle, fetched you at the airport?" she asked.
"Yes... I called her." sagot naman ni Hiroshi.
Lumapit naman na rin si papa at kagaya ng ginawa ni Hiroshi kay mama ay nagmano rin ito sa kaniya.
"I've brought pasalubongs for all of you. But they're in my bag so,"
Hindi na siya pinatapos ni mama at tinanguan nalang ito. "Yes, thank you. But we'll check it out later, okay? I'm cooking food." aniya tsaka bumaling sa akin. "Sakto ang dating niyo, nagluluto ako ng sinigang eh." saad niya.
YOU ARE READING
Crawling Back To You
Aktuelle LiteraturDeciding to break up and cut ties with the person she dearly love was Icelle's biggest mistake. A mistake that turned into regret when after several years, she encountered again her greatest love being called 'Daddy' by her student from Kindergarten.