AXL PAIGE
"Ano na gagawin natin?" nag aalalang tanong ni Jehanne.
"I don't know." walang ganang sagot ni Mandy.
"We need to find another way para ma solusyonan to." sabat ko sakanila at sumandal sa upuan ko.
"How? i mean may na iisip ba kayong paraan?" tanong ni Trisha.
"Wala pa but i know may mahahanap din tayong paraan." sagot ko.
"Right, kung gusto talaga natin to masolusyonan makakaisip tayo ng ibang paraan." seryosong sabi ni Maverick.
Ang seryoso ng mukha ni Maverick ngayon, alam kong maloko yang lalaki yan pero parang seryoso siya ngayon dahil sa problema na kinakaharap namin.
"Sabihin na natin na meron, pero ano? kailangang natin malaman agad para masimulan na natin dahil may 1 week lang tayo." Rhea said.
"We can think it later, for now we need to attend our class." sabi ni Gavin at naglakad na palabas habang nakapamulsa.
"Right." sabi din ni Klye at tumayo para sumunod kay Gavin.
Tumayo nalang din kami at lumabas para pumasok sa klase namin. Habang naglalakad ay iniisip ko kung ano ang pwede naming gawin para ma solusyonan ang problema namin. Hindi to basta bastang problema dahil nakasalalay rin dito ang school namin.
Nagmeeting kami kanina sa office at sabi nila Trisha deleted daw ang footage ng CCTV sa bandang 10:00 to 10:30pm. Wala ding nakita sila Gavin sa likod ng gym, doon kasi nakita si Aila na walang malay. At napag alaman din namin na wala palang malay si Aila ngayon sa Hospital kaya di nalang kami tumuloy ni Klye.Ang sabi nila na may tama daw sa ulo si Aila at medyo malala daw kaya parang comatose siya. Kaya pala galit na galit mommy niya kasi ganon pala kalala ang nangyari sa anak niya.
Tinanong din namin sila Jehanne kong may studyante ba na nakakita sa nangyari pero wala daw. Halos tinanong na daw nila ang mga studyante sa campus pero wala daw nakakita sa nangyari kay Aila.
Nang makarating kami sa room ay tahimik lang kaming tatlo at umupo na. Ilang minutoang dumating na din ang Teacher namin kaya umayos na ako ng upo at tumingin sa harap.Iniling ko nalang ang ulo ko para mag concentrate sa klase namin. Mamaya ko nalang siguro iisipin yun.
Nagring ang bell kaya agad lumabas ang teacher namin. May next class pa kami at pagkatapos non lunch time na. Napagdesisyonan namin kanina na sa office kami kakain para makapag usap din kami.
"Matatanggal kaya tayo bilang council?" malamyang tanong ni Mandy.Wala pa kasi teacher namin sa next subject.
"No, i believe na makakahanap tayo ng paraan, right bestie?" sagot ni Jehanne.
"Yeah." sagot ko at sinabayan pa ng tango.
"Paano pag hindi?" tanong ulit ni Mandy.
"Shut up. Mandy! stop thinking negative thoughts baka masakal kita riyan!" sabi ni Jehanne at inarapan niya pa si Mandy.
"Ikaw kaya sakalin ko?" sagot naman nito.
"Ha! as if kaya mo, mahina ka naman!" pang aasar ni Jehanne.Akmang tatayo na sana si Mandy ng biglang dumating ang teacher namin kaya padabog siyang umayos ng upo. Binelatan pa siya ni Jehanne.Tsk kahit kailan talaga hindi sila magkakasundo
"Before we start our lesson, I just want you to inform about kay Aila Montemayor." napaayos naman ako ng upo ng marinig ang sinabi ni Ma'am.
"Comatose ngayon si Aila at ang parents niya ay galit na galit at ang sabi ni Mrs. Montemayor magfile daw siya ng case against our school kung hindi mahanap ang gumawa noon sa anak niya." dagdag ni Ma'am.
YOU ARE READING
UNVEILING SECRETS (UNDER REVISION)
Mystery / ThrillerACTION SERIES #1 : AXL PAIGE VELASQUEZ
