CHAPTER 20

16 4 0
                                        

AXL'S POV

Mabilis akong nagising ng bigla akong makaranig ng malakas na busina. Napamura pa ako sa isip ko dahil sa sobrang lakas ng tunog, masisira ata eardrum ko, tangina! 

"Get up."

Napabaling ang tingin ko sa nagsalita sa harap, nasa driver seat parin siya. Nilibot ko ang paningin ko at ngayon ko lang napagtanto na nasa kotse pa pala kami. Sumilip ako sa labas at nakita kong may araw na sa labas kaya agad kong tiningnan ang relo ko, alas sais na pala. 

"Ngayon lang ba tayo dumating?" tanong ko.

Dahil kung ngayon lang kami dumating edi ang haba ng binyahe namin? hindi ko alam kung nasaan kami, kung saan nila ako dinala.

"Kanina pa, hindi ko na lang kayo ginising at hinintay sumikat ang araw." sagot nito at tinanggal ang seat belt.

"Wake him up." dagdag nito at lumabas na ng kotse.

Magtatanong pa sana ako kung saan siya pupunta pero malakas niyang sinirado ang pintuan ng kotse. Napatingin ako kay Red na tulog mantika parin, hindi man lang siya gumalaw sa lakas ng tunog sa pagkasarado ng kotse, ang tibay din ng lalaking to ah. Mas na una pa nga siyang natulog sa akin kanina tapos hindi pa rin siya gising hanggang ngayon?

"Wake up!" wika ko sa kanya sabay alog.

Ilang beses kong ginawa yun pero tangina walang epekto sa kanya pre! Nag simula na akong mainis dahil parang hindi man lang siya gumalaw, buhay pa ba to? tangina baka patay na tong gago na to dahil hindi man lang gumagalaw.

"Potangina gumising ka na!" malakas na sigaw ko pero wala pa rin, anak ng! tibay talaga.

Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng kotse at agad naghanap ng pwedeng pang hampas sa pesteng lalaki na ito, hindi ito magigising kahit mag sisigaw pa ako kaya daanin natin sa dahas. Agad akong napangisi ng mahagip ng mata ko ang isang maliit na statue na ginto ng eagle, agad ko yung inabot at medyo mabigat ang isang to at hula ko gawa sa metal.

Pinasadahan ko muna ng tingin si Red, tingnan natin kung hindi ka mamimilipit sa sakit nito, siguradong magigising pati kaluluwa mo. Tinaas ko ang kamay ko habang hawak hawak ang statue ng eagle, nakatapat ang kamay ko sa masilan niyang bahagi at sinugurado ko talaga na pagbibitawan ko to ay tatama sa ano niya. Hindi naman siguro siya mababaog dahil nito di ba? well, ito lang naisip kong paraan para magising ang kulay pula na to.

"Ayaw mong gumising ha."Nag bilang ako hanggang tatlo at agad binitawan ang hawak ko.

Parang nag slowmo pa yun sa paningin ko bago tumama sa ano niya. Narinig ko ang tunog ng pagbagsak ng statue at kasabay nong ang pagdilat ni Red. Ilang segundo ang lumipas ng biglang.

"FUCKKKKKKKKKKK!!!!!"

Umalingawngaw ang boses niya sa kotse at alam ko na rinig na rinig yun sa labas dahil sa lakas ng boses niya.

"SHIIITTT!!!! TANGINAAAA!!" mura niya ulit habang hawak hawak ang ano niya at namimilipit sa sakit.

Sumandal ako sa kinauupuan at nag eenjoy na pinapanood ang paghihirap niya. Yan ang napapala sa hindi agad gumigising eh. Narinig ko pa ang sunod sunod na mura niya habang namimilipit pa rin sa sakit, ramdam ko ang paghihirap niya sa boses niya, ilang minuto ding siyang ganun hanggang lumipat ang tingin niya sa akin. Yung mata niya ay para ng naiiyak sa sakit, may mga kunting luha doon na malapit na tumulo.

"Are you planning to break my balls!?" galit niyang sabi pero nag mukhang ngiwi yun dahil sa sakit.

"It's your fault, ayaw mo gumising eh." walang gana kong sagot.

"Damn you! ang daming pwede gawin bakit ito pa ang na isip mo!?" singhal niya sakin.

"Ilang beses kitang niyugyog at sinigawan pero hindi ka man lang gumising! yan napapala mo!" naiirita kong sagot.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 16, 2025 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UNVEILING SECRETS (UNDER REVISION)Stories to obsess over. Discover now