2 | It's Raining Cats And Dogs

232 24 1
                                    

Author's Note: Wala pa sana akong balak i-update 'to but since malapit na Wattys2017, ihahabol ko lang 'to. Hehehe.

Chapter 2 | It's Raining Cats And Dogs


Buong linggong hindi pumasok si Sunny sa Gibson. Rush na kasi ang photoshoot para sa isang clothing brand na ine-endorse niya. And besides, ginagawa niya na ang ibang projects na supposed to be ay next month pa sana. Pina-arrange na ni Sunny ang schedule niya para sa susunod na buwan kaya naman pagod na pagod siya ngayon.

  Sa Gibson International School, bawal talagang lumabas ng school grounds ang mga boarders kapag weekdays. Nakakalabas lang ang mga estudyante tuwing weekends, holidays, o 'di kaya mayroong emergency. Basta hihingi ka lang ng permission sa supervisor.

  Pero si Sunny, dahil sa sandamakmak na projects niya, hindi niya na kailangang himingi ng permission everytime she'll go out of the campus. First day of the month pa lang kasi ay ibinibigay na ni Riri ang schedule ni Sunny sa supervisor.

  "So, Sunny," nilingon ni Sunny ang lalaking tumabi sa kaniya sa couch. It is Darke Domingez, an actor. Kasama siya ngayon ni Sunny sa photoshoot. Actually, Darke is Sunny's sort of love team partner. Hindi naman official pero maraming fans ang nagshi-ship sa kanila. "Are you free this Saturday?"

  Free? Parang wala na nga ata sa vocabulary 'yon ni Sunny.

  "I'm not. Dami ko pang on-going photoshoot, e. Why?" ani Sunny. Sunny may have an attitude (na ikinapuputok ng butchi ng mga bashers niya) but she's quite close with Darke. Ito ba naman halos ang partner niya sa mga projects sa nagdaang ilang taon, e.

  "Gano'n? Sayang naman. I'm planning to ask you for a dinner date sana."

  Tinaas ni Sunny ang isang kilay niya. "Talaga lang, ha? Kaya tayo nai-issue'ng dalawa, e. If I know, you're quite obsessed with this non-showbiz girl of your-"

  Tinakpan ni Dark ang bibig ni Sunny gamit ang palad niya sabay lingon kung may tao ba sa paligid nila.

  "God, you're too loud!"

  Pwersahan inalis ni Sunny ang kamay ni Darke sa bibig niya at umarteng parang nandidiri. "Why? Isn't it true? Bakit 'di na lang 'yon ang yayain mong mag-dinner?"

  "Why are you so bully, Ms. Ren? Remind me not to tell anything to you from now on."

  Tumawa si Sunny. Kapag kasi break ay palaging nakwe-kwento ni Darke ang babaeng kinahuhumalingan nito sa kaniya. Unfortunately, the girl shares no interest in him at all. What a pity.

  Agad silang umayos nang tawagin na sila ng photographer for the final shot.

Normally, kapag free time, Sunny would just sleep and rest in her trailer or in her room at Gibson (which is solo niya dahil wala siyang roommate at may favoritism ang Gibson). Pero dahil hindi siya inaantok dahil sa sandamakmak na kape na ininom niya kaninang umaga while at work, kinuha niya ang librong regalo ng fan niya last time. Pumunta si Sunny sa pergola at doon nag-basa. Relaxing kasi ang ambiance doon dahil sa dami ng puno. It's her favorite spot at Gibson. Katatapos lang ng photoshoot niya with Darke two hours ago. She had enough of people for today. She needs a diversion or something.

  Hindi man halata but Sunny is a denial bookworm. Reading books is her past time, especially when it's boring on the set.

  "Didn't know you read books." Agad napalingon si Sunny sa pamilyar na boses na nag-salita. And there she saw Rain sitting on another pedestal.

  Sunny raised her eyebrow in shocked. Oh, so Rain's the one initiating the conversation now? She knew it!

  "Didn't know you're capable of interrupting someone who's reading." bawi ni Sunny. 'Kala niya siya lang ang may kakayahang mag-sungit? Well, Sunny's quite competitive!

When Rain Fell Hard Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon