3 | Like Grandfather, Unlike Grandson

132 22 4
                                    

Chapter 3 | Like Grandfather, Unlike Grandson

Ano ba ang pakiramdam maging isang Sunny Ren? Iisipin ng iba na ang sarap ng buhay kapag naging si Sunny Ren ka. Maganda, matalino, talented, mayaman at higit sa lahat, sikat. People think Sunny's all about fame and luxury.

  They're all wrong. Living a life like Sunny is like living inside a house protected by lasers. You have to be very careful. Maraming mata ang nakatingin sa 'yo. One wrong move and then, boom. Lahat sila ikaw agad ang mapapansin. And what's worse is that they only focus on the negative things. Para bang balewala 'yong contribution mo sa pagpapataas ng turismo at marketing ng bansa. Para bang hindi ka nila nakikitang gumagawa ng charity work. Para bang hindi ka nagbabayad ng mga taxes mo ng maayos.

  Hahanap sila lagi ng mali sa 'yo. Miski 'yong pagkain mo ng marami, papansin nila na kesyo model ka at dapat on diet ka palagi. Hindi naman sila 'yong nahihirapan at napapagod sa pagwo-work out. Pati nga paggamit ng sasakyan, magda-dalawang isip ka pa kasi baka sa 'yo isisi 'yong polusyon ng bansa.

  Hindi maintindihan ni Sunny kung bakit mayroong mga taong gustong-gustong siraan ang kapwa nila. Ano ba'ng napapala nila doon? It's not as if they receive a salary everytime they talk something bad about people.

  But, being a Sunny Ren has its own perks, too. And it's all thanks to her fans.

  Hindi niya alam kung paano nangyari pero biglang naglaho lahat ng articles tungkol sa video scandal na nangyari. Apparently, she doesn't have a management anymore to cover up for her mistakes. Sabi rin ni Riri ay wala naman daw siyang ginawa. So, how?

  "Why don't you just be thankful, Sunny? Baka fans mo ang nag-turn down sa mga sites na nagpo-post about sa scandal mo." ani Riri.

  They are inside Sunny's trailer van, on their way to Polaris Agency building. Ngayong araw na kasi ang appointment ni Sunny with Mr. Forja.

  "Pero in all fairness, ha! Wala pang isang araw ay biglang naglaho na agad 'yong issue mo! Improvement!" Riri added.

  "Nagtataka rin ako. How is that even possible?" tanong ni Sunny.

  Pagkagising kasi nila kaninang umaga, himalang wala na agad ang issue tungkol sa scandal niya.

  "Aba! Don't underestimate your fans! Kapag pinagsama-sama 'yon, kaya na nilang bilhin ang buong Pilipinas! Kaloka!" saad ni Riri. "Hindi na ako magtataka kung sa birthday mo, house and lot ang ireregalo sa 'yo! Baka nga may instant complete insurance ka na! Tapos mga next year ay bibili sila ng star at ipapangalan sa 'yo!"

  Napatawa ang driver sa sinabi ni Riri. Hindi naman talaga imposible ang mga iyon. Last birthday nga ni Sunny ay may surprise party sa kaniya ang mga fans sa isang luxury hotel! At ang regalo sa kaniya? Well, itong trailer van lang naman na ginagamit nila ngayon!

Malawak ang ngiti ng guard ng binati sila Sunny nang pumasok sila sa building. Sunny removed her sunglasses and handed it to Riri.

  "Hi, Ms. Sunny!" naka-ngiting bati ng babaeng nakatayo sa counter ng lobby. She must be an employee.

  "We have an appointment with Mr. Forja." saad ni Riri sa babae.

  "Oh, yes. Kanina pa nga po kayo hinihintay ni Boss. Nasa 16th floor po ang office niya." may lumapit na lalaking empleyado rin based on his uniform. "He will assist you."

  19-storey ang Polaris Agency building. Bawat floors na madaanan mo ay may makikita kang malalaking posters ng mga kilalang Polaris artists.

  Nagpa-iwan na sa loob ng elevator ang lalaking empleyado ng sinabi ni Riri na kaya na nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When Rain Fell Hard Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon