Quinn P.O.V.
I'm here in the Philippines because I'm a binibining Pilipina I thankyow.
Habang nag lalakad sa pisteng bako-bakong daan na 'to! Papasok na kasi ako sa iskwelehan ng magaganda at gwapo, medyo male-late lang ang pinaka maganda dahil sa bako-bakong daan.
Nabu-buset naman kasi ako sa tukmol kong kapatid, iniwanan ba naman ako, ang kapal ng face man.
Habang nag lalakad napatingin ako sa isang lalaking parang palapit sa gawi ko, huminto siya sa harapan ko.
"Hey, do you know this village?" Ay shutanginamerls! Inglisero man, inglisero, anong isasagot ko dito!
"A-ah that village?" Tumango naman siya, anong isasagot ko?
"A-ahm you can turn to the left and deretsyo? And turn to the right and deretsyo again and you can tanong, tanong to someone know this village because I do not know this village" Bakit siya tumatawa? Hambalusin ko 'to pigilan niyo ko.
"What you laughing me?" Takang tanong ko sa kanya, tama naman english ko diba? Diba? Diba?
"Nothing. I like your english and accent" natatawang aniya, taka ko naman siyang tinignan, siguro nagandahan siya.
"By the way, thank you miss.... but can you please give me your name?" Hinihingi ba niya pangalan ko daw, bakit? Tiningnan ko siya mula ulo mukang paa.
"No name, I'm fine " sagot ko at nag lakad na ulit, narinig ko pang tinawag niya ko pero hindi kona nilingon, ano siya sinuswerte? Alam ko naman na maganda ako no, hindi bagay sa kanya ang katulad kong maganda.
Nakarating nako sa EHU (Elite High University) pag pasok ko syempre hindi mawawala ang chismisan expected na 'to man. Tinaasan ko sila ng mga kilay at inirapan, kala mo kung sino mga pangit nakita lang ako nainggit na naman sa beauty ko.
Papunta nako sa room na mukang tambakan ng basura, char syempre pinaka malinis ang room namin ganon kami kababoy.
"Quinnnnnnnn!" Sigaw ng kung sino kaya napalingon ako sa likod ko, yung batang tukmol.
Nag hand clap kami ng makalapit sya sakin, "late ka rin?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi ba obvious?" Nag tatanong ako ng maayos tukmol kung 'di kalang bata paliliparin kita sa airplane mode!
Aambaan ko na sana siya ng sapok ng may tumawag na naman sakin napatingin kami don, "Quinn, bakit ayaw niyo pa pumasok? Parating na si kalbo!" Nag tinginan kami ng batang tukmol na 'to at nag unahan tumakbo papasok ng room, bigla niya kong tinulak kaya gumanti ako, tinulak na naman niya ako.
"Tatamaan ka sakin!" Sigaw ko sa kanya kasi naunahan niya ko makapasok sa room.
Nakita ko na siya sa pwesto niya at sinamaan ko siya ng tingin, pumunta na rin ako sa pwesto ko at inayos ang sarili.
"Attendance na tayo everyone, inutusan na naman ako ni kalbo, say uwu kapag natawag surname niyo" Paliwanag ng nasa harapan, may saltik yata ito ngayon.
"The one only.... Martinez!"
"Putang'na uwu!" inis na sagot ko, sinong hindi maiinis don? Uwu daw saan na naman niya nakuha ang word na'yon.
"Kalutong tombits"
"Baka si Quinn yan!"
"Deym savage"
"Huwooo!"
Kantyawan nila sa sinabi ko, parang mga engot.
"Chavez!"