Chapter 02

0 0 0
                                    

Quinn P.O.V .

"Quinn! Sinasabi ko sayo tumino tino kana 2 weeks ka palang dito may nababalitaan nakong nakikipag sampalan ka sa kanto" Sermon ng magaling kong kuya Qen.

"Hindi naman ako yung nanguna kuya, sila kaya pinagkamalan pakong kabit ng asawa, muka ba akong nangangabit? Sa ganda kong 'to?" Inis sa ani ko at tinuro ang sarili ko.

*Flashback*

Nag lalakad ako sa daan malamang, hinahanap ko kasi yung bilihan ng gatas dahil wala ng gatas si Baby demon, mag 1 week palang kasi ako dito kaya diko pa alam ang pasikot sikot.

May tanaw akong isang tao na kala mo'y natataranta at pabalik balik ang lakad, nilapitan ko siya at kinalabit, lumingon naman siya sakin na kala mo nakakita ng multo.

"Manong, tanong ko lang kung saan ang bilihan ng gatas ng baby?" Tanong ko sa kanya.

"A-ah bilihan ba ng gatas.... deretsyohin mo lang itong daan na'to tapos kumanan ka tas doon muna makikita ang bilihan" Aniya at tumango naman ako.

"Ah, sige ho, salamat ho mano—" hindi natapos ang sasabihin ko ng may sumampal sakin ng napagka lakas lakas, tiningnan ko kung sino gumawa non, nanggagalaiti sya sa galit, teka? Bakit sakin?

"Bakit moko sinamp——" tang'na ang hapdi na, ako bang problema nito!

"Ang kapal ng muka mong babae ka! Kita mong may pamilya na ang lalaking to kinakalantari mo pa! Pokpok kaba ha?!" Sigaw niya sakin na kala mo'y lalabas na ang lalamunan, akmang sasampalin niya ulit ako ng unahan kona siya.

"Putang'na, wala akong paki sa asawa mo nayan! Nag tanong lang ako kung saan bilihan ng gatas hayop!" Sigaw ko sa kanya na ikinagulat niya.

"Hoy! Manong, pag sabihan mo yang asawa mo na wag bigla biglang na-nampal at baka hindi ko sya matansa makikita mo na lang syang naka Bulagta dyan!" Inis na sigaw ko kay manong na pinipigil ang asawang nanampal sakin.

"Love, tumigil kana, nakakahiya" nakikiusap si manong sa asawa niya.

"Kunware kapa, ganyan lagi ang sinasabi ng nga kabit!" Sigaw pa nya sakin na nanlilisik pa ang mata.

"Hoy! Wala sa bukabularyo ko ang kabit at panget! Kaya wag mokong sinasabihan ng kabit! Kapal ng apog mo!" Sinampal ko siya ng bonggang bongga kaya ayun lumiko ang ulo Oops napalakas, lumingo sya agad sakin at nakita kong may dugo na sa gilid ng labi niya.

"Malandi ka!" Sigaw niya at sinugod ako, sinampal na naman niya ako, at ganon din ang ginawa ko, hayop na babaeng to ginawa pakong kabit ng asawa!

"Love tama na, nasasaktan ang bata sayo!" Awat niya pero hindi tumitigil ang love daw niya, ew kasuka.

"Ikaw talagang babae ka!" Sigaw pa niya sakin at pinag hahampas ako.

Aray ko aray ko!

"Love sinabing tama na!" Hindi pari niya maawat kaya no choice nako kailangan niya ng matulog.

"Manong, patutulugin kona to, ikaw na mag explain sa pisteng asawa mo nato pag gising!" Sigaw ko at binuwelo ang kamay ko, sinuntok ko sya ng 90% sa muka, ayun tumigil bagsak.

Huminga muna ako ng malalim at tiningnan sila, hawak hawak niya ang asawa niyang tulog at tumingin sakin.

"Pasensya kana manong, kailangan e, grabe yang asawa mo, papatayin ako!" Ani ko at tinuturo asawa niyang tulog.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 11 hours ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HER SHADOWS: The Gangsters Section Where stories live. Discover now