Chapter 2

3 0 0
                                    

Umagang-umaga parang pagod na agad ako hys

"Gising kana pala, wala ka bang pasok ngayon ha?" Tanong sa'kin ni mama.

"Meron po ma, pero mamaya pa ako aalis" tugon ko.

Pagtapos ko kumain at maligo nag gayak na ako para pumasok sa school, hinatid ko na muna ang kapatid ko dahil malapit lang school nila sa campus namin.

Wala pa si red wala pa ang sasakyan nya dito. Pero nakita ko ang sasakyan nya sa di kalauyuan maaga pala sya dito.

Agad na akong pumunta sa room ko at nakita ko sya na hawak ang phone nya.

"Hey"

Nagulat ako at tinawag nya ako pag kalagpas ko sa kanya pero hindi na muna ako lumingon para tawagin nya ako ulit hehehehe.

"Hey you"

agad na ako lumingon sa kanya.

"Bakit" tanong ko!

"Diba sa'kin ka?" tama ba narinig ko? sa kanya daw ako? goshhh. oo na marupok na ako!

"Huh? Anong sayo? sayo ako?" tanong ko pabalik.

"Yes, i mean ka group kita diba?" 

ayun ka grupo pala, akala ko kung ano na eh! assumera ko talaga.

"Hindi ko alam wala naman akong nabasa na may groupings pala eh"

Gosh, akala ko kikiligin na ako eh.

"Gumawa ako ng gc na'tin paki accept na lang din" he said.

Tumango na lang ako bilang sagot. Agad naman akong umupo sa table ko at ginawa ang ibang activities na hindi ko na tapos kagabi, hindi ko maiwasan na tignan sya tahimik lang sya at gumagawa din ng ibang activities, nagulat ako dahil may nag pop up sa phone ko at agad ko naman tinignan ito.

Bryson:

Hey, accept mo na yung gc na ginawa ko. 

                                                                                                                    Vanessa:

                                                                                                      Noted, Mr. President:)

Sungit na seen lang ako. Pero kinikilig ako kasi nag first move sya sa'kin, mwehehehehehe. Pero hanggang doon lang iyon hindi ko sya pwedeng gustohin kasi may gf na sya, hys ang sad naman gusto ko pa naman maranasan ang ma inlove lalo na at college na ako, like ma feel ko ang college love life pero imposible naman yon. Ilang minuto lang din ay dumating na ang ibang blockmates namin at dumating na din si red, Himala na late ang eabab. 

"Hay nako ang traffic kanina pa dapat ako dito" Salubong nya sa'kin.

"Kaya pala late kana mabuti na lang at hindi ka nakita ni sir sungit hahahahaha"

"Ikaw ang aga mo ah. Excited makita ako? grabe kana parang kahapon lang tayo nag kita" Singit nya pa.

"Gaga, anong na miss ka jan. Manigas ka hoy!!"  sabay kaming natawa.

Ang ingay ng buong klase kasi lumabas saglit ang professor namin, may maingay, sumasayaw, kumakanta, at nag rereview.

"CAN YOU GUYS SHUT  UP" Sigaw ni bryson, at lahat kami ay nagulat sa sigaw nya at hindi namin inaasahan iyon. Nakatingin lang kami lahat kay bryson yung SSG president ng campus ang president ng room ay nagalit bigla. 

"Pwede naman kayo mag kwentuhan ng hindi umiingay diba? hindi ba kayo naririndi baka may klase sa kabilang section tapos maingay kayo!" he said. Nagka salubong ang mga tingin namin at umiwas din sya ng tingin at lahat kami ay napatahimik nya hanggang sa dumating na yung professor namin sa calculus.

Hindi ko mapigilan na hindi mapa tingin sakanya ang tahimik nya lang at nakikinig sa professor namin. Siguro proud sakanya ang girlfriend nya ngayon dahil may boyfriend sya na matalino, gwapo at hindi mayabang, siguro sobrang saya nila pag mag kasama sila. Hindi naman ako bitter or broken sadyang masaya ako para sa kanila. 

sana sa susunod ako naman ang mahalin.

I wish I was her (series #1)Where stories live. Discover now