I turned to the side and was greeted by the sun's morning rays. I checked the clock on my bedside table and checked that it was still early, 6 AM pa. Naalala ko naman ang sinabi ni Host Jessica na dapat wala pang 7 AM ay dapat gising na kami dahil yan ang time na dadating ang mga camera man.
I looked around me and si Alice at Harley palang ang gising. Even si Kai na early bird ay tulog pa. "Should we wake them up?" Harley asked while looking at me and Alice. "Gora! Pero teka lang, maghihilamos pa ako." saad ko naman at pumunta agad ako sa bathroom ng room namin. Malawak din ang room namin, tig-tatlong beds each side, at may balcony na ang view ay ang dagat. Pwede ka dito mag reminisce sa ex mo..
Yun na nga at naghilamos na ako. Paglabas ko sa bathroom ay gising na ang lahat ng mga babae. Napag desisyonan naman namin na gisingin na rin ang mga lalaki para makakain na kami. Lumabas kaming anim sa kwarto, at tumungo sa Boys Room. We knocked three times at bumukas naman ang pinto.
"Good morning, ladies!" Shawn's half opened eyes greeted us. I roamed my eyes around the room at tulog pa si Jace- teka lang? Hindi ba dapat ay si Jeremiah ang agad kong pinapansin? Puyat pa ba ako?
"Good talaga ang morning kung makakain na tayo. Gisingin mo na sila." Judy replied and smiled at the boys. I liked Judy talaga, she is a soft person na parang hindi kayang magtanim ng sama ng loob. Si Alice at Harley naman ay parang mga rich kids na minsan out of touch. While Violet, me, and Kai are magkakapareho ng ugali.
"Gotchu, madam baby." Shawn said and winked at Judy. Hala, may pa callsign agad kahit Day 2 pa lang? We teased Judy about it but she just smiled. Lowkey na kinikilig ang ate ko!
Hindi agad lumabas ang mga lalaki kaya pumunta nalang kami sa kitchen para magluto na. Nakita namin na may text na nagflash sa TV kaya binasa ko ito, "Good morning, we prepared a light breakfast for you guys. Dadating mamaya ang water at grocery niyo so, abangan niyo ito. Thank you!". We looked at the kitchen table and may isang tupperware ng hotdog, ham at 4 na box ng pancake mix doon.
We divided the tasks para madali lang kaming magawa, pero hinintay muna namin ang mga lalaki. Para naman may ambag din sila noh! Ano kami dito, mga maid nila? Speaking of the devils, lumabas na sila isa isa at tiningnan din ang mga nasa lamesa. "Okay, listen, Zach and Sebastian sa pancakes, tutulong sa inyo sila Kai at Alice. Sa hotdogs naman, si Sol at Jacian, tapos sa ham si Harley at Judy. Kami naman ni Vince ang bahala sa rice" saad naman ni Violet. Plinano na namin to kagabi pa, para organized na kami agad pag magluluto na kinabukasan. "Grabe ha, heavy breakfast. Pero, agree ako dun!" Sebastian said as he grabbed the boxes of pancake mix.
Kinuha ko naman ang tupperware, at kumuha ng mga hotdogs. Hinugasan ko muna ito at tinanggalan ng parang plastic na wrapper. Magsisimula na sana kami sa pagluto nang biglang nag buzzer ang TV. "Nasa labas na ang water at grocery delivery. Kunin niyo na ang mga ito." pagbasa ni Kai sa nakasulat sa TV. Agad namang lumabas ang iba, kaya kami nalang ni Jacian ang natira sa bahay. Madami ata ang pinadala sa amin kaya ganun.
Kinuha ko ang chopping board para hiwain na sana ang hotdogs, yung saktong hiwa lang parang maluto din yung nasa ilalim.
"You're doing it wrong." a raspy voiced spoke behind me. "Bakit nanaman?" naiinis kong saad at hinarap siya. "Your cuts are too small." sagot naman niya at mas lumapit pa sakit. "Talaga? You do it then.." taas kilay kong sagot at lalayo na sana, pero na corner niya ako. He guided my hands that were holding the knife. I could feel his chest touching with my back. "Slice it like this.."
I stopped breathing for a while. Ang lakas na ng tibok ng puso ko. I can't do this anymore.."Tabi nga! Ikaw na mag hiwa, I'll fry it." inis kong saad at kumawala na ako sa 'backhug' namin. Sakto naman na dumating na agad ang iba. Dala dala nila ang 3 galon ng tubig, at 5 plastic ng groceries. Salamat naman at maraming pagkain, certified patay gutom kasi ako.
YOU ARE READING
Romantic Tides
RomanceJoining a dating show seemed like the perfect adventure for bestfriends, Solein Idalys and Kaelani Rosalind. But when Solein sets her eyes on the one that Kaelani loves, their friendship is thrown into chaos. Can Solein choose the one her heart love...