Chapter 2

6 0 0
                                    

Buong hapon kami ni Yuna nag usap tungkol sa lalaking iyon. Iniyabang ko pa sa kanya na mukhang nakita ko na ang future ko, inggit na inggit naman ito at ang ibang mga kaibigan namin.

“Masarap ba?” Leya asked.

Halos mabilaukan ako sa sinabi nito. Ano bang pinagsasabi nitong masarap ba?

“Green minded ka. Anong masarap? Inabot lang naman niya sa akin ang payong. Inggit ka 'no?” ani ko.

I saw her smirking at me. “Gaga! Ikaw ang green minded, hindi ako. Tinatanong ko kung masarap ba ang pansit na niluto ni Mama, hindi iyan.” ani niya at umiling.

I smiled at her awkwardly. Nag thumbs-up na lamang ako bilang sagot na masarap nga ang luto ni Tita.

I heard Beatrice shouted. “Bagsak ako sa major ko, eh!”

“Okay lang 'yan. Kapag lalo mong iniisip, lalong sumasakit.” ani ni Leya.

Lumingon sa kanya si Beatrice. “Huwag mo akong idamay sa kabobohan mo.”

Tumawa naman kami ni Yuna dahil sa mga sinasabi nila. Inaamin ko, sa aming apat si Leya ang walang pakialam sa pag-aaral niya. Katwiran niya, nong umulan ng pake sa pag-aaral, naka payong siya.

“Masyadong masakit sa kabobohan, ah. Hindi naman ako martir.” she said clearly teasing Beatrice.

Binato ni Beatrice nang unan si Leya.

“Ilang beses ka bumabalik sa ex mo. Mas literal na bobo kapa sa'kin.” pang-aasar ni Leya.

“Mahal ko, eh!” katwiran ni Beatrice.

Sumabat naman si Yuna. “Hindi na pagmamahal ang nagmamakaawa na tratuhin ka nang tama.”

I gasped. “Wow, nag salita ang maraming alam sa pagmamahal.”

“Sa sobrang mapagmahal ko. Pinagsabay ko na ang lima.” mayabang na aniya.

Pagkatapos namin mag kwentuhan ay inihatid na ako ni Yuna sa bahay. Gaya nang dati, maingay pa rin sila Papa't Mama. Pera pa rin ang pinag-uusapan nila. Ano pa bang aasahan ko?

Pabagsak ako humiga sa kama. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Hindi ko alam ang nararamdaman ko dahil bukas na ang simula ng klase ko. Pero hindi pa din ako nakakapag-paalam kay Papa't Mama na tinuloy ko ang kolehiyo ko.

I gasped. Huwag na muna. Pagod pa ang isip ko sa mga sumbat.

Maaga akong nagising dahil hinihintay ako ni Yuna. Nakapag-usap kami na sa kanya muna ako sasabay habang hindi ko pa naipapaalam na bumalik na ako sa pag-aaral. Pagka-uwi ko agad, sasabihin ko sa kanila ang lahat.

“Bakit ba ayaw mong sabihin kay tito at tita 'yang tungkol sa pag-aaral mo?” Yuna asked. Lumingon ako dito.

“Hindi na nila ako pinagkokolehiyo.” I whispered.

Bumaligwas ito sa pagkakasandal sa kotse niya.

“Ano? Bakit ka nila hindi pag-aaralin? It's about your future, Ada. Hindi ka nilang puwedeng pigilan sa anumang gusto mo.” aniya.

Tumango ako bilang sagot. “What will happen if they find out, diba? Kaya kailangan masabi ko na. Kasi tama ka, it's about my future. Pero para kasi kay Papa, obligasyon ko sila.” ani ko.

I heard her gasp. “Seriously? Ilang beses mo na silang naging obligasyon. Hindi pa ba sapat iyon para future mo naman ang ayusin mo ngayon.”

“Si tito talaga is unbelievable!” dagdag nito.

Nang makarating kami sa campus ay naghiwalay na kami ni Yuna. Kanya-kanya nag pasukan sa classroom ang iba. Bakit parang magkakilala na sila?

I shook my head. I remember, last week pa pala nag start ang klase nila dito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 20 hours ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Our Love In Epistle Where stories live. Discover now