Hindi naman ako pitaka. Kung magiging pitaka naman, anong ilalagay na laman?
Para bang sobrang nauubos na ako. Pero kahit kailan hindi ako nag reklamo. Hindi ko maintindihan. Bakit kailangan gawing retirement-fund ang anak? Bakit kailangan ako nag babayad sa lahat?
Puro bakit. Ni minsan hindi masabi.
“May pera ka pa ba dyan, Ada?” si Papa.
I nodded. Hindi ako makatiis o makatanggi man lang sa kanila. Hindi ako makapag sinungaling na wala na akong pera at last money ko na 'to. Para kasi sa kanila, ang tanggihan sila ay isa sa pinaka walang kwentang gagawin ng isang anak.
“Pambayad ko po sana 'yan ng requirements ko para sa university na papasukan ko. Baka kasi may kailangan bayaran, para may nakalaan na. Pero kailangan niyo po, kaya si—”
Hinigit nito ang pera sa kamay ko. “Babayaran ko 'to. Masyado kang maraming sinasabi, Ada. Kung isusumbat mo lang, isipin mo naubos kong pera para mapakain kayo.” bulyaw nito. I smiled bitterly. Hindi ba siya napapagod na ipamukha sa amin 'yan?
“Pa, hindi naman po sa isusumbat. Kailangan ko kasi talaga ng pera para sa pang transpo at pang require—”
Sinamaan ako nito ng tingin. Sabay-sabay nagliparan ang pera at bumagsak sa sahig dahil binato niya ito sa akin.
"Yan! Iyo na yang putanginang pera mo.” ani nito at umalis. “Mapuputulan na tayo ng kuryente dahil sa kadamutan mo!” dagdag nito at ibinalibag ang pinto.
Hindi ko mapigilang umiyak. Bakit ako ang nagbabayad ng lahat? Ilang beses ko sinakripisyo ang oras, taon, at araw na pwede ako makapag-aral maiahon ko lang sila sa utang.
"Ayoko na mag-aral, ma. Nag ta-trabaho naman si ate eh.” I heard Adrian voice. “Tinatamad na kasi ako mag-aral, ma. Mabuti nga lang nandyan si ate. Diba, last card 'yan ng pamilya?” dagdag nito.
Ako na lang palagi?
“Sira ba ang ulo mo, Adrian? Mag-aaral na ang ate mo. Huwag mo masyadong i-asa sa ate mo. Napapagod din 'yon.” ni Mama. I smiled. Kahit gaano nakakapagod ang bills, si Papa, ang mga kapatid ko. Basta't nandyan si Mama, nawawala 'yong pagod ko.
I breath deeply and lay down in my bed. How's life being so unfair to you, Adaline Rose Seviliana?
Bakit laging panganay ang taya? Hindi ba pwedeng timefreeze muna sa takbuhan na laging nasa akin ang responsibilidad?
Bakit laging si last card? Bakit laging si Ate? Nandyan naman si Ate kaya ayoko na. Bakit ako palagi?
Nagulat ako na mag ring ang phone ko. I breath heavily before I answered the phone.
"Hello? Adaline Rose Seviliana?” ani sa kabilang linya.
“Yes po...Bakit po?” I replied. Kagat ko pa ang kuko ko dahil sa kaba na nararamdaman ko.
"This is Ford Benitez Commemorative College University in Manila, administrator Ms. Veatrice Melandez. I would like to congratulate you. You are the one who passed the scholarship examination. Congratulations, Ms. Seviliana.” I gasped.
“Wow. Totoo po....ba? Thank you po, thank you po!” I excitedly said.
"Kindly check our email message to you, Ms Seviliana. Again, congratulation.” she said and hang up the phone.
I still can't imagine na makakapasa ako. Pasuko na ako kaya naghahanap na ako ng ibang university para sa college. Hindi naman pala unfair ang buhay sayo, Ada. Sadyang may proseso lang para manalo ka.
I opened my email account. Isa lang ang message nito kaya binuksan ko pero bakit parang ang weird?
"Congrats. See you, Ada.”
YOU ARE READING
Our Love In Epistle
RomanceAdaline Rose Seviliana was a girl who had the privilege to enter the most famous university in Manila. She's not expecting too much about her journey to be perfect. For her, it's not about your destiny; it's about your ability and dedication. She wa...