Chapter 24

5 0 0
                                    

Bittersweet

Natapos na namin ni Kenzo kaso pinutol nya kahapon ang simbang-gabi‚ wala pa nga kaming absent sa bawat misa. Palagi ko ding nakikita ang kapatid ni Cael na kuma-kanta sa pwesto ng mga choir‚ sya pa nga ang nagli-lead.

Naalala ko tuloy nung highschool pa lang ako‚ ako din ang nangu-nguna sa mga ganyan sa simbahan. And I love being a princess... not because I have a prince‚ because I'm a daughter of a king.

Being a woman of God is part of my life‚ I used to attend mass in every churches in Philippines. Pero minsan nalang ako nakaka-simba nung nasa France pa lamang ako‚ madalang lang kasi ang mga katolikong simbahan dun.

At gusto kong bumawi kay bro‚ kaya kinumpleto ko na ang mga araw na dapat talagang kumpletuhin ng mga katolikong patuloy na naniniwala sakanya.

Nawala na din pala ang tampo saakin ni Kenzo‚ selos-selos pa kasing nalalaman. It's Christmas-break na nga pala‚ at palagi nalang akong nasa loob ng kwarto ko‚ naka-tulala sa kisame.

It's already 11:00pm‚ naka-tulala pa din ako sa kisame habang nag-iisip-isip ng kung ano-ano. Kaka-punta lang din namin kanina ni Kenzo sa simbahan‚ but I noticed something...

Parang lumamig ata? O dahil pasko na bukas? Bat kasi madalang nalang akong purihin at kausapin ni Kenzo‚ nakaka-tampo.

Pero niyaya nya akong pumunta bukas sakanila‚ dun nalang daw ako mag-noche-buena. Pumayag naman ako‚ para matuwa din si tita saakin. Ilang-weeks ko na din pa lang hindi nada-dalaw yung cafè‚ pati na din si tita. Na-miss ko lang ang kakulitan nya‚ lalo na si Kenzo.

Baka busy lang si Kenzo sa mga gawain‚ mahirap din kasi ang architecture‚ puro nalang drawing. Siguro wala muna syang ganang makipag-kulitan‚ na-pagod ata kaka-aral kaya inintindi ko nalang ang pagiging malamig nya.

Ganun din naman ako minsan sakanya kapag may mga deadlines akong hina-habol‚ kaya minsan ay nasu-sungitan ko sya. Iba kasi talaga ako kapag seryoso na sa isang bagay‚ talagang lalamunin ko lahat ng nasa paligid ko matapos ko lang ng maayos ang kailangan kong gawin.

Kaya naiintindihan ko kung bakit nagiging ganun ang pakiki-tungo saakin ni Kenzo‚ balita ko din kasi kay Juls na madami talaga silang gawain‚ tas after new year daw yung deadlines‚ sunod-sunod daw.

Patuloy pa din ako sa pag-titig sa kisame ko.

099********
Your gift is waiting...

Wow‚ nag-chat ulit si obsessive psychopath. Baliw talaga 'to‚ ano namang gift yun? Sapat na naman saakin na maranasang makapag-celebrate ulit ng pasko‚ nagse-celebrate naman kami sa France kaso iba talaga ang saya kapag sa mismong sariling bansa maga-ganap.

Binalewala ko nalang ang text nya saakin‚ edi panoodin nya ako ngayon. Matutulog nalang ako maya-maya‚ hindi pa kasi ako dina-dalaw ng antok.

|
|
|
|
|

Na-gising ako ng maaga‚ maaga din kasi akong pupunta sa bahay nina Kenzo‚ balak ko kasing tulungan si tita sa paglu-luto ng mga iha-handa nya mamayang noche-buena.

Nagsuot ako ng flare-pants tapos halter-croptop‚ sinuot ko na din ang iba kong jeweleries. Isinuot ko naman ang itim kong Mach&Mach heels‚ lagi kasing pink at yung puro glitters ang sinusuot ko.

Yearning For Your False Allures (#1)Where stories live. Discover now