Chapter 40

2 0 0
                                    

Disorders

May nakikita ako ngayong isang batang babae at batang lalaki. Nagha-habulan sila‚ ang saya-saya nila habang nagla-laro.

Andito lang ako sa gilid‚ pina-panood silang mag-laro. Nakaka-miss tuloy maging bata. Pero kahit pina-panood ko sila‚ medyo malayo naman sila.

Tawa lang sila nang tawa. Niliitan ko sila ng paningin para makita ko ang itsura nilang dalawa ng mas malinaw. Naaaninag ko na ng kaunti ang mukha nung batang babae.

"K-kamukha ko..." napawi naman ang mga ngiti ko nang napag-tanto kong kamukha ko ito‚ mukhang-mukha ko nung nabu-buhay pa lamang si mommy.

"Baki-" hindi natapos ang sasabihin ko nang bigla nalang itong nadapa. Dali-dali akong tumakbo papunta sakanila.

Lumuhod ako sa mga ito.

"A-anong nangyari?" lumingon ako sa batang lalaki‚ asul at berde ang mga ito.

Umiiyak naman ito‚ iyak lang sya ng iyak at hindi sina-sagot ang tanong ko. Kaagad naman itong yumakap sakin‚ yinakap ko naman ito pa-balik.

"Hush... tahan na." hinaplos-haplos ko ang likod nya‚ iyak lang sya ng iyak "I-iniwan na ako ni Zera..." napa-kunot naman ang noo ko sa sinambit nya sakin habang patuloy sa pag-iyak.

Zera?

Lumingon naman ako sa batang babae‚ tuma-takbo na ito paalis. Nag-salubong naman ang kilay ko sa nakita ko.

Pano sya naka-takbo?

"Tahan na... tahan na." saad ko habang pina-panood ang batang babae na tumakbo palayo "A-anong pangalan mo?" tanong ko sakanya.

Humiwalay ito sakin sabay punas ng luha sa mga mata nya. "M-mak." sagot nito sakin.

Mak?

"Babalik pa ba sya?" tanong nya sakin‚ tumango naman ako sakanya "Baka hindi na sya bumalik." patuloy ito sa pagsu-sumbong.

"Tahan na‚ M-mak..." I caressed his hair‚ but he kept on crying.

Naka-salubong ang dalawang kilay at bigla nalang tumulo ang mga luha ko.

M-may kamukha sya.

Pati ako ay umiiyak na habang naka-luhod sa harapan nya‚ dalawa na kaming umiiyak ngayon.

Kamukha nya...

Kamukhang-kamukha nya...

Marceau?

Patuloy pa ding tumu-tulo ang mga luha ko‚ hindi ko kasi ito mapigilan‚ kusa na itong buma-bagsak.

"M-marceau?" humikbi ako "Marceau... Marceau‚ Marceau..." sobra na ang pag-iyak ko ngayon‚ naninikip na din ang dibdib ko.

Napa-hawak nalang ako sa dibdib ko‚ nahi-hirapan akong huminga.

"Marceau!"

Bigla nalang akong napa-upo sa kama‚ hinawakan ko ang basa kong pisngi.

“Sampung mga daliri‚ kamay mo'y nasan na?”

Tumingin ako sa paligid ng kwarto ko‚ madilim at tahimik.

“Pag-dilat ko‚ wala ka na…”

“Hawak na nang iba…”

Nawala ako sa sarili ko at patakbong dumeretso sa elevator. Madiin na paulit-ulit kong pini-pindot ang first-floor.

“Nandito na naman…”

“Umaasang makalimutan ang nakaraan…”

Yearning For Your False Allures (#1)Where stories live. Discover now