Kabanata 20

10 4 0
                                    


Hospital

Pinadala ako nang ama ko pabalik sa pinas.

Nang mangyari yun talagang sumakit ang dib-dib ko at mata ko kakaiyak. Dahil sarili mong ama kakalimutan kana.

Siguro ito talaga mangyayari saakin maging mag isa.

Tatlong araw din nang mangyari yun wala manlang akong natanggap na contact kay lazi.

Naguguluhan parin talaga ako sa nalaman ko at hindi ako mapakaniwala na ang mama ni lazi ay yung asawa nang ama ko.

Hindi na rin ako binibigyan nang allowance ng ama ko at iniisip ko na talagang kinalimutan niya na ako.

“Deserve koba to?” takang tanong ko sa sarili ko.

Napa tawa nalamang ako nang mahina at naramdaman kong may tumulong mainit kong luha at napunta iyon sa pisnge ko.

Habang naka tingin ako sa itaas nang kwarto ko bigla kong naramdaman na nasusuka ako. Kaya tumakbo kaagad ako sa bathroom at sumuka doon sa iniduro.

“Bakit ba nangyayari to saakin”

Pinunasan kona ang labi ko at napa hinto ako nang maalala ulit iyong sinabi ni lazi saakin.

'You're pregnant with my child' inalog ko ang ulo ko at naiisipan ko nang pumunta sa hospital para malaman ang sagot kung totoo bayun or hindi.

Hindi kami pwedeng mag kaanak lalot na stepbrother ko pala.

Hindi ko na nga siya professor pero naging stepbrother naman.

“as if naman may pag asa pa”

Hindi ko naman iniiling na maging kami or what inaalala ko lang kung paano buntis nga ako paano na yung bata?

Kung buntis nga ako. . .mag babago na ako at siguro mamahalin ko nalang siya. . .at hindi ko sasabihin sakanila na nag kaanak ako kay lazi. . .kung kinakailangan itatago ko talaga ang bata rito.

Narinig kong may kumatok sa pintohan ko at alam ko nang si manang iyon.

“Bianca iha baba ka may sasabihin ako sayo” tawag nito saakin.

“S-sige po”

Tumayo na kaagad ako at nag hilamos ako nang mukha para hindi talaga halata na kakagaling kolang sa iyak.

Pag katapos ko na lumabas na ako sa bathroom ko at dumiretso kaagad sa pinto. At binubuksan iyon.

Bumungad ang mukha ni manang saakin nang nag aalala at parang kakagaling lang nito sa pag iyak.

“Bakit manang? May nangyari poba?” takang tanong ko dito at hinawakan ang kamay ni manang.

Tila ang tamlay nito ngayun.

“iha. . . Totoo ba yung nalaman ko? Tinaboy ka na ng sarili kong ama?” matamlay nitong sabi saakin at pinisil nito ang kamay ko.

“Manang. . .”

“patawarin mo ako bianca hindi mo dapat nararanasan to” iyak nitong sabi.

“Manang wala kayong kasalanan. . .kung tinaboy niya na ako ayus lang. . . Kahit nga hindi pa lang niya ako tinataboy na bilang anak nito parang hindi na rin niya ako tinuturing na totoong anak” sabi ko nang mahaba at iniiwasang umiyak din.

Tinignan ko si manang nang malungkot.

Buti pa si manang iniintindi ako.

“kahit anong mangyari bianca sana mapatawad mo ako at sana maging maingat ka palagi”

“Manang ano bang sinasabi niyo” takang tanong ko dito.

“Iha. . .kasalanan ko, kasalanan ko kung bakit namatay ang mommy mo. . .ako ang may dahilan, nag pa uto ako” naiiyak nitong sabi at binaon nito ang kanyang mukha sa kamay nito.

TEARS OF LOVE WITH FORBIDDEN (Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon