Chapter 4

25 2 0
                                    

Pagbalik ni Mike ay inilapag niyta kaagad ang tray sa mesa at inabot sakin ang juice at piece of cake "Eto yung para sayo, ubusin mo yan ha..." nakangiti niyang sabi sakin. Tumango nalang ako at kumain. 

Habang kumakain ay bigla siyan nag salita "Break na kami ni Anne" mahina niyang sabi habang naka titig sakin. (Si Anne yung batch mate namin nuong 4th yr H.S. kami at siya din yung pinagpalit sakin ni Mike. ) Natigilan ako sa pagkain at napatingin din sa kanya. "2 taon na kaming break, nalaman ko kasi na pinaglalaruan niya lang pala ako I mean tayo" ----- "Tayo?" mahina kong tanong sa kanya ----- "oo tayo. Pinaglaruan lang tayo ng mga barkada niya, ang pustahan nila ay paghiwalayin tayong dalawa at agawin ako ni Anne sayo para daw maramdaman mo yung naramdaman niya" ---- "Ha?! Bakit ano bang ginawa ko sa kanya" 

"Iniwan daw kasi siya ng boyfriend niya para sayo, si John, yung patay na patay sayo noon. Pero hindi ko pinansin yung ginawa niya sating dalawa, lalo na yung ginawa niya sayo, binaliwala ko lahat yun kasi mahal na mahal ko siya pero after ng ilang weeeks nalaman ko na may iba pala siyang boyfriend. in other words na t-two time siya, at duon na ako nakipag break sa kanya. Sabi niya mahal niya daw yun kaysa sakin at ni minsan daw hindi niya naman ako minahal. Feeling ko nung panahong yun gugunaw na yung mundo ko, naalala tuloy kita bigla. Naalala ko yung panananakit na ginawa ko sayo, feeling ko tuloy na karma ako. Na lahat ng ginawa ko sayo bumalik sakin. Duon ko lang na realize na nasaktan pala kita ng sobra-sobra , ang sakit pala ng niloloko ka ng mahal mo. Kaya pinagsisishan ko ng sobra yung pag-iwan ko sayo. Pinagsisishan ko na yung tanging babaeng nagamamahal sakin ng totoo ay iniwan at pinagpalit ko para sa ibang babae na niloloko lang pala ako"

Nagulat ako ng husto sa mga kwinento niya sakin pero hindi ko pinahalata, nagkunyari akong ok lang ako. "Bakit mo lahat sinasabi sakin to ngayon?!"- pasuplada kong tanong sa kanya "Gusto ko lang malaman mo na pinagsisihan ko na lahat ng ginawa ko sayo, kaya sana patawarin mo nako" nagmamakaawa niyang tanong sa akin. "Patawarin man kita o hindi wala nang magbabago dahil nangyari na lahat ng nangyari, nasaktan mo na ko. I can forgive but I can't forget, at gustuhin ko man na patawrin ka hindi ko kaya kasi tuwing nakikita kita o naririnig man lang yung boses mo ay bumabalik lahat ng sakit." "I'm really sorry" pabulong niyang sagot habang naka yuko. Nakikita ko naman sa kanya na pinagsisisihan niya na talaga lahat pero hindi ko pa rin magawang patawarin siya. 

Kinuha ko ang bag ko at tumayo "Gumagabi na, kailangan ko ng umuwi, marami pa kong gagawin" Nagpalusot nalang ako para makaalis kaagad, ayaw ko na kasing marinig pa yung mga sasabihin niya.

Habang papauwi ay iniisip ko pa din yung mga nangyari sa cafe, yung mga sinabi sakin ni Mike. Naisip ko na parehas lang pala kaming biktima ni Mike, parehas na nasaktan at nahirapan bandang huli.

Hannah's POV

"Asan na ba yung babaeng yun?! Almost 8 na wala pa siya. Hindi niya naman sinasagot yung mga text at tawag ko, baka naman may ginawa na si Mike dun...." alalang-alala sabi ko sa sarili ko habang paikot-ikot sa sala at naghihintay kay Jas.....

Narinig kong bumukas ang pinto kaya dali-dali akong pumunta duon at pagdating ko ay nakita ko kaagad si Jas

"Saan ka galing?! Bakit hindi mo sinasagot yung mga tawag at text ko?!"

"Nakipagkita ako kay Mike, di ko namalayan yung oras kaya ngayon lang ako nakauwi tsaka naka silent kasi phone ko. Sorry kung napag-alala kita" 

"Ok lang yun basta sa susunod mag text ka kapag gagabihin ka. Kumain ka na ba?! Kain muna tayo."

"Ikaw nalang muna kumain, pagod kasi ako. Gusto ko munang magpahinga."

Dumiretso kaagad si Jas sa kwarto niya pagkatapos naming mag-usap. Hindi ko alam kung anong nangyari pero kita ko sa mukha niya na malungkot siya. Gusto ko sana siyang tanungin kaso parang pagod talaga siya kaya hindi ko na inabala. Pumunta nalang ako sa kusina at naghanda ng pagkain ko.

Mike's POV

Kinuha niya kaagad ang bag niya at tumayo "Gumagabi na, kailangan ko ng umuwi, marami pa kong gagawin"  sabi niya biglang alis.

Gusto ko sanang habulin si Jas kaso mabilis siyang maglakad at halata sa kanya na ayaw niya na akong makausap kaya hinayaan ko nalang. Sana lang mapatawad niya na ako sa mga ginawa ko sa kanya. Siguro nga hindi pa ito yung tamang oras pero hindi ako susuko kahit iwasan at pagtabuyan niya pa ko. 

Jane's POV

Pagkapasok ko sa kwartto ay nilapag ko ang mga gamit ko at umupo sa tapat ng mesa ko sa kwarto. Hanggang nuong mga oras na iyon ay hindi pa rin mawala sa isip ko si Mike.

Bakit ba napaka laking big deal sakin yung sinabi niya eh tapos narin naman yung mga iyon. Dapat hindi ko na'yon iniisip kasi naka move-on narin naman ako. Hindi na ko kagaya ng dati na masyadong malambot yung puso para maniwala sa mga 'yon. Sa sobrang pag-iisip ay nakatulog na ako sa mesa. Nagising nalang ako nuong nasinagan yung mukha ko ng araw, tapat lang kasi ng mesa yung bintana at naka bukas pa yung kurtina.

Nag-unatunat muna ako at dumiretso na sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay kinuha ko na ang mga gamit ko at lumabas ng kwarto. Tinatawag ko si hannah pero walang sumasagot, bigla kong nakita yung sulat sa mesa at sabi ay "Jas, maaga pasok ko ngayon kaya umalis nako. Hindi na ako nakapagluto kasi nagmamadali ako, it-treat nalang kita sa labas mamayang dinner. Tsaka nga pala, pupuntahan kita mamaya sa classroom mo after ng class mo, may papakilala ako sayo"

Sino na naman kaya yung papakilala sakin ni Hannah. Simula kasi nung nag college kami ang dami niya saking pinapakilala na guys, para daw hindi ako "Loner" at "Bitter"  sa buhay.

Fix My Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon