Chapter 15

2.1K 56 11
                                    

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Naalimpungan na lamang ako nang may naramdamang mabigat na bagay sa aking beywang. Nang tingnan ko 'yon nagulat ako nang malamang kay Klaxon galing iyon. I was about to remove his arm from my waist, but I froze when I saw him sleeping soundly beside me. He wasn't wearing a shirt, magulo ang buhok at nasa ulunan pa ang eye glasses na ginamit niya kanina.

Ang bait naman nito matulog. Parang walang ginawang kahalayaan noon ah. Magagalit kaya siya kung gigisingin ko siya? Putcha!

Sandali! Anong oras na? Baka kanina pa ako hinahanap sa baba. Hindi puwedeng malaman ni Ma'am Alma ito. Malilintikan ako.

Papaano ba ako makaalis dito? Ang bigat ng braso ni Klaxon. Hindi ko kayang hawiin. Pinaglihi ba sa bakal ang mga braso nito?

"Ugh, Klaxon, wake up..." bulo
ng ko sa kaniyang tainga upang marinig niya ngunit wala pa ring epekto. Shit. Mas lalo lamang bumigat ang kaniyang kamay na nakadagan sa akin.

"Klaxon..."

Iginalaw ko ng bahagya ang aking isang kamay upang abutin ang kaniyang mukha ngunit akoy natigilan at napatitig ng matagal sa kaniyang mukhang natutulog. Thick eyebrows, long lashes, a prominent nose, and those slightly pink lips. His face hasn’t changed much—he just looks a bit more mature, as people age and do not grow younger.

His messy hair covered one of his eyes, so I carefully lifted a hand to brush it away. Napalunok pa ako dahil hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng hiya habang pinagmamasdan ang kaniyang mukha. Pakiramdam ko umiinit na ang mukha ko ngayon sa harapan niya.

I can't help it, alright. Masyado kasing maamo ang kaniyang mukha. Parang hindi naging dragon kanina no'ng lumabas siya ng opisina. Mukhang napagod talaga siya ng husto dahil kahit anong gawin ko hindi siya gumagalaw.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Binalingan ko ng tingin ang cellphone ko. My eyes widened in shock when I saw that it was already 10 PM.

"Lagot." Baka hinahanap na ako ngayon ni Klarissa. Kailangan ko nang umuwi bago pa man maghestirikal 'yon.

"Shit." Muli na naman akong napamura nang sunod-sunod ang missed calls sa akin ni Jenie. Ugh. Paano ba ako makakaalis sa kamay ng lalaking 'to? Sobrang bigat naman kasi.

Binaba ko ang cellphone saka muli siyang tiningnan. "Klaxon, wake up. Kailangan ko nang umuwi," mahinang sabi ko. Gano'n pa rin, wala siyang naging response sa sinabi ko.

"Klaxon..." kinagat ko ng mariin ang aking labi kasabay nang pag dahan-dahan kong galaw. Medyo lumuwag naman ang kaniyang pagkadagan sa akin kaya naman sa wakas nakaalis rin sa tabi niya.

Inayos ko ang aking suot na uniform saka lumapit sa kaniyang malaking lamesa para kunin ang mga gamit ko. Pagkatapos lumapit ako sa malaking window kung saan makikita ang nagtataasang buildings at dagat na sinlawak ng aming lugar.

Ang ganda.

Bago pa man magising nang tuluyan si Klaxon, nagpasya na akong lumabas. Pero bago 'yon, nilagyan ko siya ng kumot. Oo may kumot pero hindi niya man lang ginamit.

He let out a faint groan as I tucked the blanket around him. Akala ko magigising ko 'to, mabuti na lang mahimbing pa rin ang kaniyang tulog.

"Ang bait mo talaga kapag tulog ka." Bungisngis ko. Hindi mawala ang ngiti sa aking labi. Ang cute niya naman kasi. Parang hindi nagwawala kanina.

"Goodnight, sir." Namamaos na boses na paalam ko saka tuluyan nang lumisan sa kaniyang opisina.

Usual wala nang mga tao sa buong building. Tanging ang iilang guards lang at si Klaxon ang nasa loob. Magiging okay naman siguro siya doon dahil wala namang mananakit o magtatangka sa buhay niya. Isa pa, kilala siya ng lahat, kinatatakutan at kaya ka niyang patumbahin sa isang pitik lang. Ngayon, kailangan kong maging maingat dahil buhay ng anak ko ang nakasasalay dito. Kung puwede ay iiwas ako kung kinakailangan.

My Hot Professor (R-18) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon