Chapter 1

11.8K 199 9
                                    

Kelra's POV

"Where were you last night, Kelra? Hinahanap ka ni Jomar sa akin," napalingon ako kay Kasie nang banggitin niya ang pangalan ng boyfriend ko.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sinasagot ang mga tawag ni Jomar dahil hiyang-hiya ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung papaano ko sasabihin sa kaniya na buntis ako. Ayoko rin namang malaman ng lahat dahil baka isumbong nila kay Sir Klaxon. Alam nilang lahat na magiging asawa niya ang Mommy ko. Gusto kong sarilihin muna ito sa ngayon, ayokong pandirian nila ako. I'm not yet ready for that.

"N-Nasa bahay. Umuwi kasi agad ako baka pagalitan ako ni Mommy kapag late akong umuwi," palusot ko sabay tingin sa harapan. Nanlaki ang mata ko nang magtama ang mga mata namin ni Sir Klaxon. Subject niya na pala ngayon sa amin. Hindi ko napansin dahil lutang na lutang talaga ang isip ko. Hindi pa rin kasi kami nagbati ni Mommy, galit na galit pa rin siya hanggang ngayon.

"Kelra Hadjehel, stand up," tawag niya sa akin. Napasinghap naman ang katabi ko. Mukhang hindi niya inaasahan ang seryosong mukha ni Sir Klaxon ngayon. Magulo ang kaniyang buhok, bukas naman ang dalawang butones ng kaniyang polo. He looks miserable right now, but still hot in my eyes. Totoo namang charismatic si Sir Klaxon at hindi halatang malaki ang agwat ng edad nito sa amin pero mukha talaga siyang kaedad namin. Parang hindi tumatanda.

"Kelra..."

"Ano 'yon, Jena?" tanong ko sa katabi ko while eyeing our Professor. Pinatatag ko ang sarili ko.

"You were sick, right?" nag-iba ang expression ng kaniyang mukha ngayon. Malamya itong nakatingin sa akin, tila nag-aalala.

Umiling ako at mas lalong pinatatag ang sarili. Hinding-hindi na ako magpapaloko sa mga salita at emosyon niya. Magiging asawa na siya ni Mommy, ayokong sirain ang relasyon nila. Kaya ko naman ang sarili ko, kaya kong buhayin ang anak ko without his help. I know I'm a mess right now, wala akong trabaho at higit sa lahat nag-aaral pa ako.

"Kelra?"

Napatalon ako sa gulat nang marinig muli ang kaniyang malalim na boses. "I'm still talking to you, are you listening?" this time ay ramdam ko na ang mga matatalim na tingin ng mga kaklase ko. Especially girls. Ang sasama ng tingin nila sa akin. Wala naman akong ginagawa. I want to disappear right now so that I can breathe properly.

"I think, you are really si—"

"No! Sir! Wala po akong sakit or ano. Ayos lang po ako, medyo lutang lang po talaga ang isip ko ngayon," hestirikal ko para tumahimik na siya. Bakit ba siya nag-aalala? Hindi naman kailangan.

He sat down on his chair and sighed deeply. Sinimulan niya na ring halungkatin ang mga notebooks namin sa ibabaw ng lamesa niya. Napabuntong hininga ako saka nagpasya na umupo muli sa upuan ko. Base sa kaniyang mukha ngayon he is also confused. I don't know why, or sadyang kulang lang sa sex ang sir namin. Ano ba 'tong iniisip ko!

"Ang putla mo, Kelra. Sigurado ka bang ayos ka lang?"

"Ayos lang talaga ako, Jena." Sagot ko. Kahit na ang totoo niyan ay kinakabahan ako.

"Halatang nag-aalala si sir sa'yo."

Tumayo ang mga balahibo ko roon. Lumunok ako at umiwas ng tingin sa
kaniya kaya lang bigla akong nanigas sa kinauupuan ko nang makita ko ang madilim na aura ni Jomar mula sa labas ng classroom namin. Nakakatakot ang kaniyang mukha, mukhang papatay siya ng tao.

Kinuyom ko ng mariin ang kamao ko nang maramdamang nanginginig ang mga 'to. Nakakatakot ngayon ang mukha ni Jomar. Sa tingin ko'y sasaktan niya na naman ako dahil hindi ko sinagot ang mga tawag niya.

My Hot Professor (R-18) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon